^

Metro

1 pang pulis sa Dacer/Corbito kidnap slay sumuko

-
Isa pang tauhan ng pulisya na sangkot sa pagdukot sa PR man na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito ang sumuko na kahapon sa pamunuan ng Phil. National Police (PNP).

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Chief Superintendent Nestorio Gualberto ang sumuko na si SPO1 Ruperto Aguilar Nemeno.

Si Nemeno ay lumutang sa CIDG isang araw makaraang mag-isyu ng warrants of arrest si Manila Judge Rodolfo Ponferrada laban sa 22 police officers at civilian agents ng binuwag na PAOCTF na sangkot sa pagdukot at pagpaslang kina Dacer at Corbito.

Ayon kay Gualberto, inihayag na ni Nemeno ang kanyang partisipasyon sa kaso at isinangkot nito ang ilang matataas na opisyal na hindi nabanggit ng mga naunang umaming testigo na ngayon ay nasa kustodya na ng pulisya.

Naniniwala si Gualberto na magkakaroon ng malaking developments sa kaso sa isinagawang pagsuko ni Nememo.

Inamin ni Nemeno na siya ang humarang sa kulay puting Toyota Revo ni Dacer, bago pa tuluyang inilipat ang mag-amo sa isang puting sasakyan noong nakalipas na Nobyembre 24 sa panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Roxas Avenue sa Maynila. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BUBBY DACER

CHIEF SUPERINTENDENT NESTORIO GUALBERTO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DACER

GUALBERTO

JOY CANTOS

MANILA JUDGE RODOLFO PONFERRADA

MANUEL CORBITO

NATIONAL POLICE

NEMENO

RUPERTO AGUILAR NEMENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with