Rali sa Mendiola muling uulitin ng Partido ng Manggagawa
May 4, 2001 | 12:00am
Hindi kami natatakot na maaresto o idisperse kung ang hustisya ay nasa aming tabi.
Ito ang sigaw ng Partido ng Manggagawa na muling magsasama-sama upang muling magsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola upang tuligsain ang pagdedeklara ng state of rebellion ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Metro Manila.
Ayon kay Renato Magtubo, chairman ng PM na tulad ng mahihirap na lumusob sa Malacañang ang mga militanteng grupo ay magsasama-sama sa Mendiola hindi sa impluwensiya ng droga o alkohol kundi sa galit dahil sa kawalang hustisya.
Iginiit ng grupo na ang pagdedeklara ng state of rebellion ni Pangulong Arroyo ay isang malinaw na panganib sa kalayaan ng pulitika sa bansa.
Tinuligsa rin ng mga ito ang utos na ibinigay ng WPD at Manila City Hall na pagbabawal sa anumang protesta sa naturang lungsod ay isang ilegal na paghihigpit sa karapatan ng mamamayan sa Konstitusyon sa pamamagitan ng pagtitipun-tipon. (Ulat nina Ellen Fernando at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest