^

Metro

Taiwanese national hinatulan ng bitay sa shabu

-
Parusang kamatayan ang inihatol kahapon ng Malabon Regional Trial Court sa isang Taiwanese national matapos itong mapatunayang nagkasala ng pagbebenta ng may 16 kilo ng shabu noong nakarang taon.

Si Shu Si San, 32, alyas Alvin Ching Su, ng #19 Yellow Dale st., Araneta Village, Malabon ay pinagbabayad din ni Judge Benjamin Aquino ng P10 milyon bilang pinsala.

Ang akusado ay naaresto noong Mayo 31, 2000 matapos magpanggap na buyer ang isang pulis at bumili ng kalahating kilo ng shabu dala ang P25,000 marked money.

Sa bisa ng search warrant na dala ng Nargroup ay narekober pa sa bahay nito ang may 16 kilo ng shabu. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALVIN CHING SU

ARANETA VILLAGE

GEMMA AMARGO

JUDGE BENJAMIN AQUINO

MALABON

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

NARGROUP

PARUSANG

SI SHU SI SAN

YELLOW DALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with