^

Metro

Nene, ni-rape sa bodega

-
Isang 64-anyos na biyudo ang inaresto ng Central Police District matapos ireklamo ng isang grade 5 pupil nang panghahalay sa loob ng bodega matapos mangako na bibigyan ito ng tip sa kanilang final exam kamakalawa sa Bgy. Pasong Tamo,Quezon City.

Kinilala ni Chief Supt. Victor Luga,CPD director ang suspek na si Bernardo Villar,sales clerk ng Lucas Pascual Elementary School Cooperative at residente ng 1324 Tandang Sora Avenue ng nasabing barangay.

Batay sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Shiela, 12, estudyante ng nasabing paaralan na bandang ala-una ng hapon ay niyaya siya ng suspek sa bodega ng nasabing paaralan upang doon umano bigyan ng tip para sa kanilang final exam.

Sa kagustuhang makakuha ng mataas na marka ay sumama ito subalit laking gulat ng biktima nang puwersahan siyang hubaran at gahasain ng suspek.

Nang makaraos ang biktima sa kanyang makamundong pagnanasa ay mabilis itong tumakas habang ang biktima ay nagsumbong sa kanyang adviser kaya naaresto ang suspek. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BATAY

BERNARDO VILLAR

BGY

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF SUPT

LUCAS PASCUAL ELEMENTARY SCHOOL COOPERATIVE

PASONG TAMO

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

TANDANG SORA AVENUE

VICTOR LUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with