^

Metro

Trader ninakawan na, pinatay pa ng 5 tauhan

-
Isang negosyante ang namatay makaraang pagtulungang paluin at bugbugin ng kanyang limang tauhan matapos itong pagnakawan kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni CPD director Victor Luga ang biktimang si Donsalvo Bolata Jr,., 40, ng #371 Katipunan Avenue, Loyola Heights, QC.

Pinaghahanap na ang limang tauhan nito na nakilala sa mga alyas na Dodong, Danny, Daniel, Allan at isa pang hindi nakilala.

Ayon kay SPO2 Ramon Fernandez, bandang alas-11:20 ng gabi habang natutulog ang biktima sa kanyang silid ng pasukin ng mga suspek.

Subalit nagising ang negosyante kaya pinagpapalo ng tubo at ginulpi ang kanilang amo hanggang sa mapatay.

Bukod sa P250,000 cash ng biktima ay kinuha rin ng mga suspek ang 9mm baril ng nagsitakas na mga salarin. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BUKOD

DODONG

DONSALVO BOLATA JR

KATIPUNAN AVENUE

LOYOLA HEIGHTS

QUEZON CITY

RAMON FERNANDEZ

RUDY ANDAL

VICTOR LUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with