^

Metro

Sanggol sinampal, tinadyakan ng ama

-
Dinakip ng mga operatiba ng Caloocan police ang isang lasenggong ama matapos nitong pagsasampalin at tadyakan ang kanyang tatlong-buwang-gulang na anak kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Si Orlando Lustano, 30, ng 234 P. Sevilla st., 5th Ave., naturang lungsod ay kasalukuyang nakapiit samantalang mabilis namang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang sanggol na si Jonalyn.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Insp. Virginia Tijuco, dakong alas-10 ng gabi ay lasing na lasing ang suspek nang dumating sa kanilang bahay at sa hindi mabatid na dahilan ay bigla na lamang nitong tinadyakan ang bata na tinamaan sa kanang tainga.

Nabatid din sa ina ng biktima na si Alonie, matagal nang binubugbog ng suspek ang kanilang anak mula pa nang ipanganak ito noong Dis. 9, 2000 kung saan sa tuwing malalasing ang huli ay pinanggigigilan ang sanggol na kadalasa’y nauuwi sa pananakit.

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon at nangatwirang gumagawa lang ng dahilan ang ina ng biktima upang sila ay magkahiwalay na. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALONIE

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DINAKIP

GEMMA AMARGO

ITINANGGI

JONALYN

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

SI ORLANDO LUSTANO

VIRGINIA TIJUCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with