^

Metro

Ex-actor na pulis nanindak sa airport

-
Isang dating actor at ngayo’y pulis na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport ang nahaharap sa imbestigasyon matapos umano itong magpakita ng kanyang kayabangan sa mga nakatalagang pulis sa Manila International Airport Authority (MIAA) administration building.

Nakatakdang paimbestigahan ni PNP C/Supt. Marcelo S. Ele Jr., director ng PNP-ASG si P/Insp. Jovit Moya, dating artista at nakilala bilang mainstay ng "That’s Entertainment" show ni German Moreno. Si Moya na nagpasyang mag-pulis makaraang hindi sumikat bilang artista ay sinasabing miyembro ng PNPA Class 1994.

Batay sa nilagdaang salaysay ni Gerald Tanieza, security guard ng Lanting Security and Watchman Agency na nakatalaga sa MIAA administrative building entrance gate, alas-7:05 ng umaga noong Enero 24 taong ito habang nagtsi-check sila ng mga sasakyan ng dumating ang Strada pick-up ni Moya na may plakang UNW-909 at kanilang pinahinto.

Nagalit umano si Moya at nagpakilalang aide-de-camp ng bagong hirang na NAIA General Manager Ed Manda.

Naging arogante umano si Moya at sinabi sa mga guwardiya doon na huwag silang sisitahin at tandaan ang kanyang sasakyan dahil kay Manda raw ang gamit niyang behikulo.

"Bago na ang GM at wala na ang dating memo ni Gana kapag sinita mo ulit kami sasagasaan kita," sabi umano ni Moya kay Tanieza.

Bukod dito, nabatid na nagwala rin umano si Moya sa pass control office ng airport dahil pinamamadali nito ang NAIA annual ID niya. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

ELE JR.

GENERAL MANAGER ED MANDA

GERALD TANIEZA

GERMAN MORENO

JOVIT MOYA

LANTING SECURITY AND WATCHMAN AGENCY

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MARCELO S

MOYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with