^

Metro

Sekyu naghiganti, mag-utol na pulis itinumba

-
Isang magkapatid na pulis na nakatalaga sa Western Police District (WPD) at Dept. of Interior and Local Government (DILG), Task Force-Katapat II, ang pinagbabaril at napatay ng isang naghiganting guwardiya kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Makati.

Hindi na umabot ng buhay sa Makati Medical Center sanhi ng maraming tama ng kalibre .38 baril sina PO3 Noel Merano, 48, nakatalaga sa WPD at SPO2 Eduardo Merano, 51, kapwa naninirahan sa #2706 Maria Aurora st., Bgy. Poblacion, nabanggit na lungsod.

Tumakas naman at tinutugis na ang suspek na nakilalang si Rodolfo Cruz, 48, sekyu, sa hindi nabanggit na establisimiyento at nakatira sa #2879 Pertierra st., nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Allan Esquillo ng Homicide Section Makati Police, dakong alas-8:45 kamakalawa ng gabi habang ang magkapatid na pulis ay nakikipag-inuman sa kanilang tatlong kaibigan sa labas ng kanilang bahay ng biglang salakayin ni Cruz na may dalang kalibre .38 baril ang grupo ng mga biktima.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ni Cruz ang magkapatid na Merano saka tumakas.

Nabatid na paghihiganti umano ang motibo ni Cruz matapos mapag-alaman na napatay umano ng isa sa biktimang si Noel ang bayaw ni Cruz na nakilala lamang sa pangalang Pedio noong 1996. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN ESQUILLO

CRUZ

EDUARDO MERANO

HOMICIDE SECTION MAKATI POLICE

LORDETH BONILLA

MAKATI MEDICAL CENTER

MARIA AURORA

NOEL MERANO

RODOLFO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with