^

Metro

Shakey's crew tumilapon sa sinasakyang motorsiklo, nasagasaan, patay

-
Isang crew ng Shakey’s ang nasawi matapos itong tumalsik mula sa sinasakyan nitong motorsiklo at magulungan ng nakabangga ditong isang van habang magdi-deliver ng pizza pie ang biktima, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Kinilala ni SPO1 Miguel Descalzo, ng Makati City Traffic Enforcement Group, ang biktimang si Elmer Beltran, 29, may asawa, nakatira sa G-35 Abbey Road, Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City na binawian ng buhay habang ginagamot sa Makati Medical Center.

Samantala, ang driver na nakasagasa ay nakilalang si Allan Morcoso, 22, ng #7485 Santillan st., Bgy. Pio del Pilar ng nasabing siyudad na nasa custody na ngayon ng pulisya at sasampahan ng kasong homicide.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Descalzo, magdi-deliver ang biktima ng pizza pie sa Bgy. San Antonio Village kung saan nakasakay ito sa isang Kawasaki motorcycle na may plakang PB-9007 nang banggain ito ng humaharurot at paparating na Isuzu Forward aluminum van na may plakang PYG-880 na minamaneho ng suspek na si Morcoso.

Tumalsik ang biktima mula sa minamaneho nitong motorsiklo at nagulungan pa ng nasabing sasakyan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABBEY ROAD

ALLAN MORCOSO

BGY

ELMER BELTRAN

ISUZU FORWARD

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

MAKATI MEDICAL CENTER

MIGUEL DESCALZO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with