^

Metro

Misis na may kalaguyo, ipinakulong ni mister

-
Ipinaaresto ng isang waiter ang kanyang misis at umano’y kalaguyo nito matapos nitong mahuli ang dalawa sa aktong nagtatalik sa loob mismo ng bahay ng una, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dumulog sa himpilan ng pulisya si Calvin Meadoes, 27, ng Guido III, Maypajo, ng naturang lungsod at waiter ng Bartolina videoke bar upang ipagharap ng reklamong adultery ang asawang si Nora, 24, at ang kalaguyo nitong si Antonio Bentillo, 23, ng Tondo, Manila at isang delivery boy.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Vivencio Gamboa, dakong alas-5 ng umaga nang mahuli ni Calvin ang kanyang misis at kalaguyo nito na nagtatalik sa kanilang kuwarto matapos umano siyang manggaling sa bahay ng kanyang mga magulang sa Pasay kasama ang anak na babae.

Ayon kay Calvin, habang papasok sila ng kanyang anak sa loob ng bahay ay nakarinig siya ng mga halinghing ng isang babae kaya’t hindi muna sila tumuloy ng anak at sa halip ay sumilip muna ito sa isang butas.

Subalit laking gulat na lamang umano niya nang makitang hubo’t hubad ang kanyang asawa at nakaibabaw si Bentillo.

Kaagad nagtungo sa himpilan ng pulisya si Calvin upang isumbong ang asawa na naaresto habang magkapatong pa ang dalawa. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANTONIO BENTILLO

AYON

BARTOLINA

BENTILLO

CALOOCAN CITY

CALVIN MEADOES

DUMULOG

GEMMA AMARGO

GUIDO

VIVENCIO GAMBOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with