^

Pang Movies

Marian, lumaki sa mga bulaklak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Isinabay sa Marian Day o Immaculate Conception Feast Day last December 8 ang launching ng Flora Vida Home ni Marian Rivera.

“Very happy ako to announce na ang Flora Vida ay mai-extend sa Flora Vida Home.  Ano ang laman ng Flora Vida Home? Ang laman ay mga lamp, pillow case, nursery line at meron ako mga furniture.

“Paano nangyari? Ito kasi ang panahon na bina-value ko, alam n’yo ‘yung nagta-travel ako o nakakapag-explore sa ibang bansa.

“Siyempre kasi ‘pag nandito ka lang sa Maynila, ang ginagawa ko is work, work, work, ‘di ba? Kung meron man gala, minimal lang at hindi talaga explore.

“‘Pag nakakapunta ako sa ibang bansa, tinatandaan ko ‘yung nakaka-spark ng interest ko. Tumatak sa akin ang mga fabric na ito. Sinasabi ko sa sarili ko na sana balang araw, magkaroon ako ng ganito.

“So ang mga fabric na ito ay linen, rustic feel na masasabi mo na timeless siya. So ‘yun ang pinush ko. Finallly, kumuha ako ng fabric at nagpagawa ako para sa akin. Nu’ng pinagawa ko siya, sobrang happy ako. Ang ganda! Bakit hindi ko ito i-extend sa Flora Vida Home?” pahayag ni Yan.

Parehas daw ang saya na nararamdaman niya tulad ng unang negosyo na Flora Vida sa mga bulaklak. Binigyan din niya ng trabaho ang kababayan natin sa Paete, Laguna sa kanyang bagong negosyo.

“Never mawawala ‘yan attraction ko sa bulaklak kasi parang natatandaan ko, ‘yung lola ko mahilig sa bulaklaking bulaklak pati daster!

“So siguro kinalakihan ko ang bulaklak kaya nakatatak na sa akin ‘yan!” diin ni Marian.

Tutok si Yan sa bagong negosyo dahil siya mismo ang nag-iisip ng packaging pati pagbabalot at pag-sanitize nito. Siyempre ang magde-deliver ay ang Dingdong.ph na maghahatid ng gamit at may chance na ang asawang si Dingdong Dantes ang personal na magdi-deliver nito, huh!

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with