^

Kutob

Disyembre 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control baka ikaw ay mapahamak. Sa lahat ng bagay, taglayin ang magdalawang-isip kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos o gawin. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Tiyaga at sipag ang maliwanag na sikreto ng tagumpay at kung ito ay palaging tataglayin, walang dahilan para maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang situwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung aabot sa kasukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away pero masarap ang mabuhay nang walang kaaway. Madali kang mapikon at mag-init ang ulo. Self-control ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon o sa pakikipag-usap sa iba, dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy. Kaya kung may sikreto, malamang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maaasahan na malaki ang pakinabang sa ibubunga nang ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung nag-aaplay ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulan gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa, ngunit kung buo ang loob, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda kung hanggang pangarap ka lang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at pagpapasensiya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon. Maliban na lang kung lalabag sa batas ng Diyos at tao. Iwasan ang anumang uri ng sugal, dahil tiyak matatalo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa ulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Nasa tamang daan ng kaunlaran ang iyong landas, kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa iyong mga binabalak. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti sundin, kung masama iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magiging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno't dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

vuukle comment

2018

KUTOB DISYEMBRE 14

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with