^

Kutob

Disyembre 26, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kabutihan ng Diyos ang nagpapaganda ng buhay ko.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahalaga ang pagkakaunawaan at pagkakasundo ng mga tao sa loob ng tahanan. Hindi matatakpan ng karangyaan ang anumang pagkukulang sa aruga at kalinga sa loob ng tahanan. Madaling mababagabag ang kalooban. Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 34, 41 at blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang nakakataas sa trabaho ay madaling mabibigyan ng kasiyahan. Makakatulong ang opinyon ng ilang matatandang kasama sa tahanan o pinapasukan. Ang simula ng kaguluhan sa relasyon ay nagmumula sa isang tsismosong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 39, 40 at indigo.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang pakikipagtalo o lumikha ng gulo. Huwag pakialaman ang iba, pagtuunan ang sariling buhay. May tawag na magbibigay kasiyahan o kagalakan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 30, 35 at aquamarine.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Umaayon ang pagkakataon para baguhin ang masamang nakaugalian. Makakasagupa ng taong masama ang ugali kung ituring subalit huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Sa pagkakamali manggagaling ang pagtutuwid at maitatama ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 21 at tangerine.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang pagsasamang pangkaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Ang katalinuhan ay kailangan para mapagtagumpayan ang mga gawain o proyekto. Magiging maagap sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 30, 33 at ivory white.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa aspetong pinansiyal. Makakapagdulot ng sagabal ang maliliit na bagay na hindi napagtuunan ng pansin. Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makakasagupa ng suliranin, para makapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 34, 31 at yellow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang pakipag-date ay inaayunan ng panahon. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Isang surpresa ang naghihintay sa tahanan o pinapasukan. Huwag pansinin ang biro o kantiyaw ng kaibigan o kasamahan para maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 14, 34 at strawberry red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maaaring katangi-tangi at mapapakinabangan ang tulong ng kaibigan. Posible ang hindi inaasahang magandang pangyayari na magaganap. May dulot na maligayang karanasan ang sosyal na pakikisalamuha. Iwasan ang makasakit ng damdamin at tigilan ang walang kabuluhang pagbibiro. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 32, 33 at purple.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kung may naiisip gawin, huwag ipagpabukas at simulan kaagad. Ang magneto ng karisma ay malakas. Maaaring mula sa koreo o makabagong teknolohiya ang matatanggap na balita. Ang kutob ay magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 23, 38, 40 at red.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ipagpaliban ang binabalak. Huwag ituloy kung may balak sa paglalakbay. Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon. Huwag tanggapin ang anumang alok mula sa kaibigan o kasamahan. Malamang magkaroon ng kaunting tampuhan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ipagpaliban ang binabalak na gawain o pamamasyal. Maaa­ring hindi maging maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa pammagitan ng tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 31, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Maging maingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuha at pakipag-ugnayan sa mga taong propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay. Ang matinding simbuyo ng kalooban ay maaaring maghatid ng kapahamakan. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 32, 35 at magenta.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with