^

Kutob

Hulyo 06, 2006

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) – Kumunsulta ka sa isang Feng Shui Master bago ka magpatayo ng bahay, negosyo o opisina. Ang chi o energy ay isang malaking bagay na dapat isaalang-alang. Kung negatibo o negative chi o energy ang iyong lugar tiyak marami kang negatibong pangyayaring makakasagupa. Maging segurista at may panangga sa pagharap ng iyong ikakabuhay at sarili. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37. indigo.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) –
Ang doctor ay isang matalik na kaibigan mayaman man o mahirap. Ikonsulta ang anumang hindi magandang nararamdaman ng katawan upang hindi lumala at patungo sa malalang sakit. Huwag maghinayang sa gastusin dahil kalusugan ang nakataya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) –
Konsultahin ang nilalaman ng kalooban at puso at huwag ang pasya ng iba ang sundin. Ikaw din ang mahihirapan kapag nakinig ka sa sinasabi nila. Gagawa ka ng isang bagay na matagal nang balak gawin. May katuwang kang mag-isip ng paraan kung ngayon ito sisimulan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnilian.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) –
Iwasan mo ngayon na mahulog ang loob sa masugid na manliligaw dahil kung mangyayari ay walang humpay kang paluluhain. Kung masugid kang manliligaw, iwasan mo muna ang araw na ito na makausap ang nililigawan dahil kapag napasagot mo ito ng "oo" ay hahawakan ka sa ilong at magiging under de saya ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) –
Kunan mo na lamang ng picture sa cellphone mo ang crush mo at titigan nang mabuti araw-araw. Gawing inspirasyon kasi sa tuwing nakakasalubong mo siya ay para ka ng nahipnotismo. Kung babae ka, sampal at kotong ang aabutin mo sa kanya. Kung lalake ka ay papatong ka ng dumi sa ulo sa kanyang pagkasalawahan. Lucky numbers at color for the day ang 6,10,15, 32 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) –
Kung pag-aaralan na magkaroon ka ng bagong kaalaman at paraan sa paghawak ng pera at pagbabudget, magiging daan ito ng paunti-unting pagbabago ng takbo ng iyong kabuhayan. Masipag kang makipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa pagba-budget at pagtitipon sa mga kaibigan ngunit piliin ang hindi mga tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at red.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) –
Ugaliing ipagpag ang katawan upang mabawasan ang excess fat. Sa madaling salita, cholesterol. Uso na ngayon ang belly dancing, ballroom dancing o sexy dancing. Siguradong magkakaroon ka ng self-confidence. Kung hindi kaya sa magastos na paraan, magtiyaga ka sa walking o jogging. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) –
Huwag kang ganid, i-share mo naman sa iba ang iyong kaalaman upang umangat nang kahit kaunti ang kabuhayan ng iba lalo na sa paghawak ng pera. Ang maluho sa lahat ng bagay ay dahilan na talagang kakapusin kang palagi ng pera at alam mo yan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) –
Sauna o steam-bath ang kailangan mo upang magpapawis. Kung magastos magpakulo ng tubig ilagay sa balde at ilalim ng upuan at lumukob ng kumot. Papawisan ka na at tanggal pa ang toxic sa katawan mo. Hindi ka kasi pinapawisan sa ginagawa mo. Subukan at sasarap ang iyong pakiramdam, tanggal pa ang excess taba mo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) –
Para kang disyerto na sa sandaling mapatakan ng tubig ay tuluy-tuloy hanggang sa masimot ang kahuli-huliang patak. Kaya iwasan ang pag-inom ng alak kahit kaunti. Dahil uhaw na uhaw ka, anumang hawakang gawain o trabaho ay hindi tatantanan hanggang hindi matapos kaagad. Sana’y ipagpatuloy mo ang magandang simulaing ito. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) –
Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Pag-isipang mabuti ang bawat hakbang kung ano ang dapat gawin lalo na kung sa negosyo nakasalalay. Huwag kang manghiram o magpahiram ng pera dahil alinman sa dalawa ay mahihirapan sa pagbayad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at brown.

GEMINI (May. 21 - Hun. 21) –
Walang tinatawag na love at first sight. May karma ka sa nilalang na iyan sa iyong nakaraan kaya nagkaroon ng attraction sa unang tingin pa lamang. Kung sakaling kayo ang magkakatuluyan, ipanalangin mong kabayaran ng iyong good karma sa iyong nakaraan dahil kung bad karma ang iyong nagawa sa kanya ay iyak sakripisyo ang iyong mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.

vuukle comment

COLOR

DAY

FENG SHUI MASTER

HUWAG

IYONG

KANG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with