^

Kutob

Hunyo 6, 2005

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Magiging pasensiyoso ka sa lahat ng pagkakataon sa araw na ito. Malakas ang dating mo ngayon sa mga humahanga. Magigipit ka dahil sa pagiging magastos at mapagbigay. Lucky numbers at color of the day ang 4-22-31-41 at white.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Mawawalan ng suporta sa mahalagang sektor ng lipunan. May matututuhang bagong kaalaman sa tamang pagkain. Ang pagbisita ng isang minamahal ay magbubunga ng magandang kapalaran. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-33-41 at violet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Angkop lamang ang kikitain sa pangangailangan ngunit kung dadagdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga ay magkakaroon ng sobra. Nakaamba ang isang di-magandang pangyayari kaya lubos na pag-iingat ang kailangan ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 1-12-28-39 at burgundy.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Magkakaroon ng di-pagkakaunawaan sa trabaho o tahanan. Masuwerte sa napiling mamahalin. Mag-ingat sa mga pabango at pampakinis ng balat na magbibigay ng pagkairita sa katawan. Lucky numbers at color of the day ang 5-7-12-25 at orange.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Palalayain ka ng isang masalimuot na alaala. Maayos na ang schedule na sadyang nagpapagulo sa mga aktibidades mo. Mapupunta sa wala ang napundar kung magpapabaya. Lucky numbers at color of the day ang 2-18-27-37 at purple.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Hindi ka mahihiyang ipakita ang magandang pangangatawan. Hindi makabubuti sa iyo ang magaganap sa miting ng pinagsasanayang topic. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Hindi maiiwasang gumastos ngayon. Aaliwin ang sarili sa pamamagitan ng pamamasyal at pamimili. Iukol ang panahon sa pag-aayos sa sarili para sa isang bisita. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-41 at lilac.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Makukuntento sa pagtingin sa iyo ng minamahal. Unti-unti nang mawawala ang mga hinanakit at sama ng loob. Huwag itago kung anuman ang nararamdaman. Maging totoo sa kapwa at sa sarili. Walang masama kung ipagtatapat ang gusto lalo kung mabuti ang hangarin. Lucky numbers at color of the day ang 9-16-24-39 at baby pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Hindi magdududa ang mga kakilala sa taglay na lakas. Ang karagdagang oras sa trabaho ay magiging pabor para sa iyo. Mas gugustuhin ang isang tulad mo dahil sa pagiging mahinahon. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-28-36 at garnet red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Makiramdam sa ikinikilos ng minamahal dahil mayroon siyang gustong ipahiwatig. Maaayos ang pinansyal na pangangailangan sa linggong ito. Lucky numbers at color of the day ang 12-13-35-42 at fuschia.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Madamdamin ang magiging araw mo sa piling ng sinusuyo. Malalagay sa peligro ang mga ari-arian kung hindi iingatan. Hindi na pababayaan ang sariling bumigay sa mga paanyaya ng masamang barkada. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-21-29 at navy blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Galak ang mararamdaman sa piling ng mga mahal sa buhay. Mapapawi ang negatibong enerhiya sa ugali ng iyong makakasalamuha. Matatanggalan ng ilang pribilehiyo. Lucky numbers at color of the day ang 5-11-39-41 at maroon.

AALIWIN

ANGKOP

COLOR

DAY

HUL

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with