^

Kutob

Oktubre 16, 2002

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Iwasang ipagsapalaran ang perang nakalaan sa panggastos. Iwasan ang hikayat ng mga barkada o pumasok kaya sa isang bagay na hindi mo tiyak. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-36-42 at chocolate brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May mga pangyayaring kailangang sundin ang iyong damdamin. Magiging mainitin ang ulo ng minamahal. Ipaliwanag sa mahinahong paraan ang anumang gumugulo sa isipan upang maiwasan ang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-27-40 at cream.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Malaking pagkakataon ang nasa iyo upang pag-aralang mabuti ang panukalang negosyong inaalok. Huwag basta pumasok sa anumang bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Lucky numbers at color for the day ang 4-6-30-41 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging magaan ang tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyakin lamang na nasa tamang taong nangangailangan ang tulong na ibibigay. Huwag basta magtiwala ngayon dahil may mga lalapit sa iyo ang manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 8-23-30-37 at gold.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang dinaranas na katamlayan ay mula sa kapaguran ng mga nakaraang araw. Pahinga ang kailangan upang manumbalik ang enerhiya at kasiglahan. Bigyang-panahon ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5-18-20-33 at oak brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– May hindi inaasahang gastusin ang darating. Kung anuman ang naitabi ay siguradong mailalabas. Huwag makalimot na dumalangin sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 8-17-39-45 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Hindi magiging komportable sa biro ng ilang taong makakahuntahan kaya’t hangga’t maaari ay iwasan ang grupo. Gamitin ang bakanteng oras sa makabuluhang bagay at may mapapalang kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-20-30 at orange.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Ang pagkakataon ng pangangailangan ay nasa iyo ngayon. Hindi maiwasan ang malapit ka sa kaibigan at mapagtatanto kung sino ang tunay na kaibigan. Ang mga pangyayari ng nakalipas ay magiging aral sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-20-36 at avocado green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Malaki ang chances na ang inaasahan ay dumating o matanggap. Maaaring may sorpresang dumating. Ibayong sikap ang gawin at makakamit ang matagal nang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-32-43 at turquoise.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahamakan na dapat supilin dahil ito ang magiging damdamin ngayon. Huwag sundin ang bugso ng damdamin. Gamitin ang utak at hindi ang puso. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-26-34 at blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Walang perpekto kaya panahon na para pag-aralan at isipin ang mga pagkukulang sa pamilya. Kung inaakalang may kasalanan, panahon ng paghingi ng tawad at paumanhin sa iyong mga nasaktan. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-20-31 at beige.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Huwag hayaang lumaki pa ang hidwaan sa pagitan ng kaibigan. Madali ang solusyon kung iyong nanaisin. Mabuting ikaw na ang gumawa ng paraan at malakas ngayon ang karisma. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-10-25 at mocca brown.

COLOR

DAY

GAMITIN

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with