^

Kutob

Hunyo 22, 2002

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Isang magandang balita ang matatanggap na tiyak magpapasaya sa iyo sa buong maghapon. May pagkakataong yayain ng isang kaibigan na maikukuwento ang natanggap na balita at makikigalak sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-25-31 at burgundy.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Pinakamabisang paraan para mapaglabanan ang takot ay ang pagkakaroon ng positibong kaisipan na kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta ng anumang ginagawa at anumang hamon ang dumating ay makakayanang harapin ng sarili. Lucky numbers at color for the day ang 7-19-25-44 at lime green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailanman makabubuti ang mabuhay sa mundo ng pagkukunwari dahil panloloko ito sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-30-42 at chocolate brown.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Aakalaing kay hirap ng nakatakdang gawin pero kapag nasimulan ito, mapagtatantong hindi naman pala ito ganoon kahirap. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip at simulan na ang trabaho at makikitang masaya ang bawat guguguling oras para rito. Lucky numbers at color for the day ang 8-16-23-37 at orange.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Huwag mag-alala dahil anuman ang gawin ay tiyak na maganda ang magiging resulta. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na ang puwedeng maging kaibigan ay siya mo pang makakaaway. Lucky numbers at color for the day ang 13-16-39-45 at yellow green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Walang sinuman ang puwedeng uminsulto sa iyo. Pinagpaguran mo ang lahat ng kung anuman ang mayroon ka ngayon kaya ang sinumang nag-iisip na dapat mong isuko ang lahat ng natatanggap ngayon ay tiyak mangangailangang maiharap sa katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 12-24-36-42 at violet.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda ng iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may kaunting problemang dinaranas. Matutuwa pa nga ito dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 10-23-34-40 at periwinkle.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Marunong kang makisama at makibagay. Iyon ang gustung-gusto ng mga kaibigan sa iyo. Panatilihin ang ganitong ugali. Panahon ding baguhin ang ugaling pagkamasungit. Lucky numbers at color for the day ang 8-23-35-40 at red orange.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Isiping mabuti ang nais gawin at mangyari. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Isa-isahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang nais. Konsultahin ang pamilya sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 6-15-34-41 at neon green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Mapagtatanto kung gaano nagmukhang estupido nitong mga nakaraang araw na natakot sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Huwag mahiya sa bagay na ito at natural lamang ang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-24-39 at silver.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Pairalin ang utak at hindi lagi ang puso at emosyon. Mahalagang sa ibang bagay ay gumagana pareho. Dapat alamin kung paanong ang dalawang ito ay balanseng magagamit. Lucky numbers at color for the day ang 2-20-34-41 at golden brown.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Manatiling kalmado. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi maganda. Resolbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maaayos ang lahat ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-26-30 at strawberry red.

vuukle comment

AAKALAING

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with