^

Kutob

Hulyo 27, 2001

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – May palatandaan na posibleng ang isang limot na pag-ibig ay manariwa. Huwag padala sa anumang paninirang maririnig. Kalmahin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11-29-31-37 at ruby red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Makakatagpo ng bagong kakilala sa isang pakikisalamuhang sosyal. Mapalad sa itatayong negosyo. Huwag sumangkot sa anumang argumento. Lucky numbers at color for the day ang 5-11-22-34 at violet.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Umaayon ang kalagayang pinansyal. Mag-ingat sa mga rumaragasang sasakyan. May taong nagnanais gamitin ka sa pansariling interes. Lucky numbers at color for the day ang 13-24-33-40 at orange.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Sumasang-ayon ang araw na sundin ang kutob ng kalooban. Ang balak na paglalakbay ay may biyayang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-11-36 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag patulan ang pamimikang mga biro ng mga kasamahan. Mapabubuti ang pagsasamahan sa loob ng tahanan at gayundin sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 10-20-30-34 at lavander.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Huwag padadala sa hikayat ng ilang kasamahan sa trabaho. Matutong manindigan sa anumang pinag-usapan. Makakatanggap ng business proposal mula sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 9-26-36-42 at mustard yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang mga maliliit na bagay ay mabibigyan ng solusyon. Huwag magpadalus-dalos sa paglagda sa anumang kasulatan. May sorpresang tatanggapin. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-24-37 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Naaayon ang araw sa isang namamasukan. Hindi angkop ang araw sa paglalakbay. Talasan ang pakiramdam. Mahalaga ngayon ang gawaing pantahanan. Lucky numbers at color for the day ang 10-18-21-39 at rust.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang mga bagay na napabayaan ay mahalagang mapag-ukulan ng panahon. May posibilidad na madagdagan ang kita. Maisasaayos ang mga gusot sa trabaho at maging sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-30-41 at magenta.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magplano bago gawin ang trabaho. Ibuhos ang pagsisikap at tiyaga anuman ang ginagawa. Ang katugunan sa pag-ibig ay bukal mula sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-36-40 at aquamarine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Mag-ingat sa pagpapahayag sa taglay na hinanakit. Huwag pilitin ang sarili na magbigay ng desisyon. Iwasan ang alak at sugal. Kumonsulta sa doktor kung may nararamdaman sa katawan. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-32-42 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kakailanganinang malaking pakikibagay sa mga superior officers o nakatataas ang tungkulin. Ang buong pagsisikap ay ilagay sa tahanan o pinapasukang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-29-32 at midnight blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IBUHOS

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with