^

Probinsiya

P263K ng shabu samsam na sa Tanza Cavite

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nadakma ng pulisya ang isang lalaking tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tanza.

Kinilala ang suspek sa alyas “Mike,” nasa hustong gulang, residente ng lugar. 

Base sa ulat ng pulisya, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ( SDET) ng Tanza Municipal Police kasama ang Pdea ang buybust dakong alas 11:30 ng gabi. 

Hindi na nakapalag ang suspek ng mapaligiran ito ng grupo matapos ang drugdeal. Nakumpiska sa suspek ang 5 plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 38.81 gramo at nagkakahalaga mg P263,908.00. 

Nasamsam din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon. 

Matapos ang operasyon, pinuri ni PCol. Ariel R. Red, Cavite Provincial Director ng Cavite PPO ang matagumpay na operasyon ng kaniyang mga pulis.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with