Bangkay ng sanggol, itinapon sa basurahan

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng bagong silang na sanggol na nakasilid sa plastic ang natagpuan sa basurahan sa tabi ng Diversion Road, Brgy. Lumbo, Valencia City, Bukidnon nitong Sabado.
Sa report ng Bukidnon Provincial Police Office (PPO), isang concerned citizen ang nakadiskubre sa patay na sanggol nang mapagawi ito sa lugar.
Sa salaysay ng nasabing concerned citizen na bubuksan niya ang trash bin upang magtapon sana ng munting basura nang mabulaga ito sa patay na sanggol na nandoon kaya agad itong inireport sa mga otoridad.
Sa pagresponde naman ng mga otoridad ay natagpuan ang sanggol na hindi natukoy kung lalaki o babae na nakakabit pa ang inunan na binalutan ng tela ang katawan.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy kung sino ang ina ng sanggol na nagtapon sa basurahan.
- Latest















