^

Pang Movies

Eman Pacquiao, kapuso na?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Eman Pacquiao, kapuso na?!
Eman

Matapos ang exclusive and well-viewed interview ni Jessica Soho on GMA kay Eman Bacosa Pacquiao, kasunod naman dito ang balitang kinontrata na diumano ang anak ng boxing legend ng Sparkle GMA Artist Center making him a Kapuso.

But since nagsisimula pa lamang si Eman, dapat mas focused siya sa kanyang boxing career kaysa haluan niya ito ng showbiz para hindi siya mag-derail.

Anyway, Manny is making up for the lost time with his ‘estranged son’ at ngayon ay super close ang dalawa maging sa pamilya nito at ito pa mismo ang nakatutok sa boxing career ni Eman.

Kitang-kita rin kay Eman ang pagkasabik nito sa kanyang ama gayundin si Manny na parang ginagawa naman ang lahat upang makabawi sa anak.

Ivana, noon pa crush si Joshua

Dream come true kay Ivana Alawi ang unang pagsasama nila sa isang serye ng kanyang showbiz crush na si Joshua Garcia sa pamamagitan ng romance-drama series na Love is Never Gone which was shot in Morocco na nakatakdang mapanood sometime early 2026.

Natatandaan pa namin nang minsang mag-celebrate ng kanyang birthday si Ivana at kung gaano ito kinilig nang sorpresahin siya ng kanyang youngest sister na si Mona ng video message coming from Joshua.

Ngayon ay magkatrabaho na ang dalawa at sila ang mga pangunahing bituin ng kanilang first TV series together.

Samantala, naka-get over na kaya si Ivana sa intrigang linking her sa kilalang businessman at politician na si Albee Benitez?

Aljur, tahimik pa rin!

Kung si AJ Raval ay naging matapang sa pag-amin na tatlo na ang kanilang anak ni Aljur Abrenica at may dalawa pa siyang anak bago naging sila, hanggang ngayon ay nananatili pa ring tikom ang bibig ng ex-husband ng aktres na si Kylie Padilla hinggil sa isyu.

Base sa pag-amin ni AJ sa King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, lima na ang anak ni Aljur sa dalawang babae – sina Alas at Axl kay Kylie, at tatlo naman kay AJ na sina Aikena, Junior at Abraham.

Kelan ba magiging vocal si Aljur tungkol sa limang anak niya?

EMAN BACOSA PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with