Magandang pagtatapos sa elims hangad ng Altas

MANILA, Philippines -- Hangad ng University of Perpetual Help System DALTA na mawalis ang huling laro sa pagtatapos ng elimination round sa pagsagupa Colegio de San Juan de Letran sa NCAA Season 102 men's basketball tournament sa FilOil Arena sa San Juan City.
Nagmula ang Altas sa 82-75 pagpulutan sa San Sebastian Golden Stags noong Biyernes at inspirado ang tropa ni coach Olsen Racela na makabawi sa naunang 77-84 pagkatalo sa Knights.
Papasok ang Perpetual sa play-off para sa fourth rank laban sa Baste at hawak ang "twice-to-beat" advantage.
Magsisimula ang play-in phase sa Nobyembre 12.
Sa juniors' division, resbak din ang hangad ng Junior Altas sa defending champion Letran Squires na gumapi sa kanila sa opening game ng season, 82-81, noong Setyembre 14.
Gusto ng Season 100 champion Junior Altas na selyuhan ang kapit sa top spot sa Group B para makuha ang 'twice-to-beat' sa quarterfinals na mag-iintay sa magiging rank 4 sa Group A kung sino ang mananalo sa No. 4 San Beda Red Cubs at Lyceum GenTri Junior Pirates.
Apat na manlalaro ng Perpetual Juniors ang nagtala ng double digits points para dalhin sa panalo ang kanilang alma mater sa winning column sa pamumuno ni Francis Rosales na may 16 points.
- Latest




















