^

Bansa

ICC prosecutors, nais isumite testimonya ng 5 saksi vs Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ICC prosecutors, nais isumite testimonya ng 5 saksi vs Duterte
Former president Rodrigo Duterte attends the fourth status conference at the International Criminal Court in The Hague, Netherlands, on Oct. 13, 2026.
International Criminal Court / Philstar.com's screenshot

MANILA, Philippines — Hiniling ng mga pro­secutor sa International Criminal Court (ICC) na tanggapin bilang ebidensiya ang mga naitalang testimonya ng limang saksi sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa prosekusyon, mahalaga ang mga salaysay ng mga testigo upang makatulong sa pagpapatibay ng alegasyon na may umiiral na patakaran ng pagpatay sa mga taong pinaghihinalaang sangkot sa kriminalidad.

Sa isang public filing na may petsang Oktubre 16, hiniling ng prosekus­yon sa Trial Chamber III na tanggapin ang mga testimonya ng mga saksi na kinilala bilang P-1087, P-1151, P-1158, P-1161 at P-1204.

Ayon kay Acting Pro­secutor Mame Mandiaye Niang, makatutulong ang hakbang na ito upang mapabilis ang proseso ng paglilitis at mabawasan ang oras na gugugulin sa direktang pagsusuri sa mga saksi sa korte.

Gayunman, nananatiling bukas ang mga testigo para sa cross-examination ng depensa, gayundin sa karagdagang pagtatanong ng mga hukom at iba pang panig sa kaso.

Nakapaloob sa mga testimonya ang mga alegasyon tungkol sa umano’y pag-normalisa ng mga pagpatay sa pa­nahon ng administrasyong Duterte, mga operasyon ng Philippine National Police (PNP), at ang sinasabing reward system para sa mga pulis na sangkot sa mga operasyon.

Tinalakay rin sa mga salaysay ang umano’y patakarang i-“neutralize” ang mga pinaghihinalaang kriminal at ang umano’y pagkakasangkot ni Duterte sa pagtukoy ng mga target.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with