^

Probinsiya

POI sa babaeng patay sa ref, timbog!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
POI sa babaeng patay sa ref, timbog!
Ang POI ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa kasong serious illegal detention sa follow-up operation ng Rodriguez Police.
STAR/ File

Sa pagkulong sa kasambahay

MANILA, Philippines — Nahuli na ng mga ele­mento ng Rodriguez Rizal PNP ang person of interest sa pagkamatay at pagsilid sa bangkay ng isang babae sa loob ng refrigerator noong Setyembre sa lalawigan ng Rizal.

Ang POI ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa kasong serious illegal detention sa follow-up operation ng Rodriguez Police.

Natiyempuhan ng mga awtoridad ang POI habang nakasakay sa isang kotse at nakaparada sa isang convenience store sa Cubao Quezon City noong Huwebes ng gabi, sa tulong ng kasambahay ng biktima.

Ang mismong kasambahay ng biktima ang nagsampa ng hiwalay na reklamo laban sa suspek matapos umano itong hindi paalisin sa bahay noong 2025.

“Allegedly na-commit po ng ating POI (person of interest) sa Para­ñaque City. Ang nag-file po ng kasong ito ay yung kasambahay po nung biktimang patay rito sa ating area of responsibility dito sa Rodriguez,” sabi ni Rodriguez Police Chief PLt. Col. Arwyn Gaffud.

Magugunitang ang bangkay ng biktima na may 25-30 taon gulang ay natagpuan noong September 16, 2026 sa loob ng inuupahang apartment sa Rodriguez, Rizal na nakasilid sa isang refrigerator.

Natuklasan lamang ang bangkay ng ginang nang magsimulang maag­nas at mangamoy sa loob ng ref at buong kabahayan kaya’t ang may-ari ng apartment ay humingi na ng tulong sa barangay.

Ayon sa pulisya, nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng ref ay tinatayang may limang araw nang patay.

POI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with