^

Pang Movies

Elizabeth, sinusuyo ulit ng Chinese action Star Meng Fei!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Elizabeth, sinusuyo ulit ng Chinese action Star Meng Fei!
Elizabeth

Ang dating beauty queen-turned award-winning actress na si Elizabeth Oropesa ay naging misis ng dating Chinese martial artist at action star na si Meng Fei na isa na ngayong matagumpay na negos­yante in Taipei.

Nasa Pilipinas noon si Meng Fei dahil may ginawa silang action movie ng Star for All Seasons na si Vilma Santos nung 1974, ang action movie na Twin Fist of Justice na na-mesmerize ito sa beauty ng Bicolana actress.

Hindi tumigil si Meng Fei hangga’t hindi niya napapasagot si Elizabeth na nagsisimula pa lamang noon sa kanyang pag-aartista. There was even a time na nagrenta ng helicopter si Meng Fei para mapuntahan lamang ang location ng shooting ng actress.

Dahil sa pagiging pursigido ng Chinese action star ay napasagot niya si Elizabeth na nauwi sa kanilang pagpapakasal. Pagkatapos nito ay dinala na niya ag aktres sa Taipei kasama ang kanyang tatlong anak na ang isa ay anak niya sa actor na si Dante Rivero. Nagkaroon din ng sariling anak (boy) sina Elizabeth at Meng Fei.

Sampung taong tinalikuran ni Elizabeth ang kanyang showbiz career sa Pilipinas dahil ayaw ni Meng Fei na mag-artista pa ito.

Pero makaraan ang 10 taon ay nagdesisyon si Elizabeth na makipag­hiwalay sa kanyang (dating) mister at bumalik ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang mga anak.

Recently ay muling nag-reach out si Meng Fei kay Elizabeth at panay ang pagpapadala nito ng alahas sa star ng Mister Mo, Lover Boy Ko.

Nung una ay hindi tinatanggap ni Elizabeth ang ipinapadalang alahas sa kanya ng kanyang ex-husband pero na-realize niya na sayang din naman lalupa’t hindi naman daw niya ito hinihingi.

Klinaro ni Elizabeth na wala umano siyang planong makipagbalikan sa dating asawa dahil matagal na umano siyang sanay nang walang katabi sa kanyang pagtulog. Pero nangako si Meng Fei na darating umano ito ng Pilipinas sa December para magkita sila ng kanilang anak.

Ang buong akala pa nga namin ay engagement ring ang suot ni Elizabeth nang ito’y aming makapanayam sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo sa aming YouTube channel.

Samantala, bukod sa pagiging isang dating beauty queen, si Elizabeth ay aktibo pa rin sa pagda-dive na may 30 taon na niyang ginagawa. Isa rin siyang mahusay na painter, underwater photographer at isang alternative medicine doctor. She is also a licenced acupuncturist. Nag-aral siya sa Bali Indonesia at sa Amerika ng kanyang pagiging isang alternative medicine doctor.

At 72 ay aktibo pa rin si Elizabeth sa pagda-dive. Bukod sa Batangas ay dumarayo rin siya sa ibang bansa including sa Maldives para mag-dive.

Ang aktres ay isa ring animal lover at mahilig mag-rescue ng stray cats and dogs now numbering to about 40.

ELIZABETH OROPESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with