Eumir hindi pabor sa split-decision loss ni Carlo
MANILA, Philippines — Hindi ikinatuwa ni Eumir Marcial ang naging resulta sa laban ni Carlo Paalam sa championship round sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Umani si Paalam ng split decision loss kay Rui Yamaguchi ng host Japan sa finals upang magkasya lamang sa pilak na medalya.
Maganda ang inilaro ni Paalam matapos kumunekta ng mga solidong suntok sa buong panahon ng laban. Subalit hindi pumabor ang kapalaran sa Pinoy pug.
Ibinahagi ni Marcial ang naging karanasan nito noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China kung saan natalo rin ito sa finals.
“Way back at the 2023 Asian Games in Hangzhou, China, I also felt that I was robbed in the finals. I thought I had won the fight and would bring home the gold for the Philippines in Asian Games boxing after 13 years,” ani Marcial.
Matatandaang natalo si Marcial kontra kay Tanglatihan Touhetaerbieke ng host China para magkasya rin sa silver.
“But the same thing happened to Carlo we lost in the finals against the host country. What just happened is not new,” ani Marcial.
Gayunpaman, tinanggap na lamang ni Marcial ang naging desisyon at nagmove on na lamang.
- Latest




















