Cesca Litton, ‘di pa cancer-free!
Ginawang lakas ni Cesca Litton ang isa sa pinakamabigat na kabanata ng kanyang buhay – hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kapwa cancer patients at survivors.
Matapos sumailalim sa chemotherapy at matapos ang kanyang active treatments noong nakaraang taon, patuloy na hinaharap ni Cesca ang buhay habang sumasailalim sa hormone therapy.
Kailangan din niyang sumailalim sa gamutan sa loob ng limang taon dahil ang uri ng breast cancer na mayroon siya ay apektado ang estrogen. Nagdulot din ng sarili nitong mga hamon ang kanyang medically induced menopause.
“So basically, I’m on hormone therapy to kill the estrogen production in my body. Because ‘yung sa akin kasi pilit, e. It’s medically induced. So, I mean, the symptoms are, actually, horrendous,” sey ni Cesca na nakakaranas ng brain fog, muscle pains and depression.
Naka-focus si Cesca sa strength training dahil ang accelerated menopause treatment ay nag-increase ng risk ng osteoporosis. “And because of that, because na-fast forward ‘yung menopause ko, na-fast forward din lahat ng side effects and symptoms of menopause, including osteoporosis.
“So that’s why I’m really focusing on building muscle, strength training, because I need to support my muscles. I think it was last July, I lifted my body weight. And then just a few weeks ago, I was able to lift way more than my body weight. The things I can control, I will do them. And that’s focusing on my health, focusing on strength training, focusing on enjoying the life that God has given me.”
Hindi pa raw masasabi ni Cesca na siya ay cancer-free.
“I don’t think I’m allowed to call myself cancer-free... No evidence of disease for now. And then if I am no evidence of disease for five years, then I can say I’m cancer-free and I’m in remission.”
Si Cesca Litton ay sports anchor, television host, news anchor and breast cancer advocate.
Direk Antoinette, may ibang partner na
Ni-launch kamakailan ng film director at producer na si Antoinette Jadaone ang kanyang bagong film studio na tinatawag na Ilaya Ilaya.
Si Antoinette ang creative force sa likod ng ilang iconic films tulad ng That Thing Called Tadhana, Fan Girl, at ng coming-of-age sports movie na Sunshine na pinagbibidahan ni Maris Racal.
Katuwang niya sa pagpapatakbo ng day-to-day operations ng Ilaya Ilaya ang kanyang long-time collaborator na si Reign Anne De Guzman.
Sa official Instagram page ng studio, nakasaad na ang Ilaya Ilaya ay isang women-led film studio na binuo dahil sa tunay na pagmamahal sa Filipino stories, at sa paniniwalang muling mai-in love ang Filipino audience sa Philippine cinema.
Binalita ni Direk Tonet ang ilan sa mga proyektong kasalukuyan nilang ginagawa, tulad ng supernatural comedy na Chandra Catacutan And The Curse Of The Fuchsia Moon na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.
Kung hindi siya abala sa paglikha ng movie magic, abala naman si Antoinette sa pag-shoot kasama si Direk JP Habac para sa kanilang podcast show na Ang Walang Kwentang Podcast. Parte rin ang filmmaker sa pagmamay-ari ng café-restaurant na Basta Café sa Quezon City.
Hollywood comedian, nag-iba ng hitsura
Taong 2007 pa nagsimula ang weight-loss journey ng Hollywood comedian na si John Goodman.
Ang former star ng ‘80s hit sitcom na Roseanne ay tumitimbang noon at 400 lbs. Ngayon ay nabawasan na siya ng higit 200 lbs. sa mga nagdaang taon. “In the old days, I would take three months out, lose 60 or 70 Ibs., and then reward myself with a six-pack or whatever and just go back to my old habits. This time, I wanted to do it slowly. Move, exercise. I’m getting to the age where I can’t afford to sit still anymore,” sey ng aktor tungkol sa kanyang body transformation.
Nag-hire pa ang 74-year-old Emmy and Golden Globe winner ng personal trainer para matulungan siya sa kanyang pagbawas ng timbang. Iniwasan na rin niya ang pag-inom ng alak at sinusunod niya ang Mediterranean-style eating plan.
Mapapanood ang bagong hitsura ng aktor sa pelikulang Digger na pinagbibidahan ni Tom Cruise.
- Latest





















