Kris, lumakas nang dumami ang raket?!

At tuluy-tuloy na nga ang pagbalik ng Queen of All Media Kris Aquino.
Pagkatapos ng kanyang CHIKA para sa isang streaming platform at pag-apir sa endorsement ni Bimby, may raket na ulit siya sa endorsement.
This time, mas malakas siya at mataas ang energy para sa isang e-commerce app.
Kampanya ito para sa discounts ng nasabing e-commerce app.
Duma-drama na ulit siya para sa mga brand na magbibigay ng discount ngayong papalapit na ang Pasko.
Bongga na rin at least, visible na ulit si Kris at baka nga ito lang ang kailangan niya upang lalong sumigla ang katawan.
Noon pa may nagsasabi na baka talagang kailangan ni Kris na may pagkaabalahan.
- Latest























