^

Police Metro

15 katao nasawi sa dengue sa Iloilo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 15 katao ang namatay sa dengue sanhi ng kagat ng lamok na may virus sa lalawigan ng Iloilo mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito.

Sa ulat ng Provincial Health Office (PHO) ng lalawigan, nakapagtala ng 3,200 kaso sa nasabing mga buwan.

Ayon kay Dr.Maria Socorro Colmenares -Quiñon, Chief ng Iloilo PHO, nakakabahala ang pagtaas ng mga kaso sa mga nasawi at tinamaan ng dengue sa lalawigan.

Sa record ang bayan ng Estancia ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang sa nasawi sa dengue na nasa lima katao habang ang bayan ng Carles at tatlo katao at tig-iisa naman mula sa Ajuy, Sara, San Dioniso, Miag-ao, San Rafael San Joaquin at mula sa iba pa.

Inihayag ng opisyal na ang bilang ng mga kaso ay papataas pa sa kasalukuyang buwan dahilan patuloy pa rin silang nakakatanggap ng report sa mga bagong kaso na isinasailalim sa masusing pag-validate.

Ang dengue ay mula sa kagat ng lamok na nagtataglay ng aedes aegypti isang uri ng virus na nakamamatay. Ilan sa mga pasyente ay ibiniyahe na sa tertiary hospital sa Iloilo City pero binawian ng buhay dahilan malala na ang mga ito.

 

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with