JM sinugod ang direktor na ‘nasarapan’ kay Fyang

Ini-reveal ni JM Ibarra na may sinugod siyang direktor dahil binastos ang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Fyang Smith.
Sa second episode ng Gandang Gabi Vice aired last Sunday, September 20 ay ang JMFyang loveteam ang kanyang guests at dito ay may mga pasabog na rebelasyon ang dalawa.
Sa Deep Truth segment ay naikwento nila ang tungkol sa direktor na binastos at sinabihan si Fyang na “ang sarap mo” kaya sumugod sa set si JM para sitahin ang direktor.
Kwento ng aktres, recent lang nangyari ito sa isang content shoot. “Nagko-content shoot ako, and then parang umabot sa point na siyempre, ang iikli ng suot, naka-tube lang ako, ganito, ganyan,” tsika ni Fyang.
“Ako, una pa lang naiilang na ako, Meme, naiilang na ako kasi ang dami niyang sinasabi pero ako, siyempre, dahil direktor siya, respectful ako.
“Tapos, parang sobrang nabastusan ako kasi nagsumbong sa akin ‘yung assistant ng make-up artist ko. Sabi niya, ‘sabi ng direktor mo, ang sarap mo raw,’” patuloy niya.
Nag-chat na raw siya agad kay JM at isinumbong niya ang kanyang direktor. Wala naman inaksayang sandali ang aktor at nagpunta agad sa set ni Fyang.
Sey daw ni JM sa direktor, “hoy ikaw, pumasok ka dito, anon’g sinabi mo kay Fyang?”
Itinanggi naman ng direktor na may sinabi siyang ganu’n kahit hinarap na nila ang assistant make-up artist na nakarinig.
Hindi na nila pinangalanan kung sino ang direktor pero sey ni JM ay bata pa at halos ka-age lang niya.
Nilinaw naman ni Vice Ganda kung direktor ba ito ng ABS-CBN at sagot naman ni JM ay hindi raw.
“Oo kasi tanggal na ‘yan kung ganu’n,” sey ni Vice.
Kinilig din ang Unkabogable Superstar pati na ang iba pa nilang kasamahan sa show sa ginawang pagtatanggol ni JM kay Fyang.
Paliwanag naman ng aktor, “well, sa sarili ko lang, kasi, hindi ko rin naman siya madalas maipagtanggol sa bashings, sa social media kasi hindi naman ako marunong dyan, hindi naman ako sanay diyan.”
Sa nasabing episode ay diretso ring tinanong ni Vice ang dalawa kung magdyowa na sila.
Sagot ni Fyang, “Hindi pa, Meme. I mean, hindi namin siya minamadali. Kasi kung pupunta man kami doon, I mean, gusto namin i-enjoy muna ’yung journey namin nang magkasama, of course.”
Pag-amin naman ni JM, “Ako, basta gusto ko siya.”
Tinanong naman ni Vice si Fyang kung in-love rin siya kay JM at sagot ng aktres, “oo, oo naman. Kasi, nasa kanya rin naman ang hinahanap ko sa lalaki.”
BINI Jhoanna, magbebenta ng mga bigay ng fans
Binabalak ni BINI member Jhoanna Robles na ibenta ang mga damit at iba pang stuff na ibinigay sa kanya ng fans.
Pero bago niya ito gawin ay nagpasintabi muna siya sa Blooms (BINI’s fandom) kasabay ng paliwanag kung bakit niya ito gagawin.
Nag-post sa X si Jhoanna at tinanong kung okay lang ba sa Blooms na ibenta niya ang mga damit na bigay ng mga ito at ang perang mapagbibilhan ay 100% na mapupunta sa charity. “Would you guys be okay if I sell some of the clothes you’ve given me over the years, and 100% of the proceeds will go to charity?” tanong ng P-pop artist.
“We already have a donation prepared and I thought this could be another little way to add to it and hopefully help more people,” aniya pa.
Bagama’t mahalaga raw sa kanya ang bigay ng fans pero inamin naman niyang dahil sa rami ay hindi naman niya magagamit lahat.
“Everything you’ve given me means so much to me, kaya ang hirap din bitawan. But realistically, with how much I’ve received, there’s only so much I can keep and use,” aniya.
“So, what do you think about letting some of them find a new home and hopefully help do a little more good? Of course, I’d love to hear what you guys think since some of the clothes came from you. Salamattt,” saad pa niya.
Positibo naman ang naging pagtanggap ng Blooms sa balak ni Jhoanna at halos lahat ay pumayag. “Hindi ko pa nababasa nang buo umo-oo na ako,” sey ng isang faney.
“Great idea!! Paying it forward is never a bad thing Jho!” sabi naman ng isa pa.
- Latest




















