^

PSN Showbiz

Vic at Orly, ‘di na matitibag ang ambag sa industriya!

Pilipino Star Ngayon
Vic at Orly, ‘di na matitibag ang ambag sa industriya!
Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad.

Sa kaarawan nina OctoArts big boss at Viva Artists Agency President Veronique del Rosario on Jan. 13, 2027 ay nakatakda namang i-celebrate ang 60th anniversary ng Vicor Music Corporation, the leading recording company nung dekada sitenta co-founded ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad.

Tulad sa mga nauna kong naisulat, taong  1966 nang magdesisyon ang magpinsang Vic at Orly na itatag ang sarili nilang recording company, ang Vicor na may hiniram na puhunan na P4,000.

Nagsimulang mangupahan sina Boss Vic at Boss Orly ng isang maliit na kuwarto sa Raon St. in Quiapo. Ang unang artist ng kumpanya ay ang Orly Ilacad and the Ramrods hanggang unti-unti na silang mag-sign up ng iba pang recording artists tulad nina Norma Ledesma, Jeanne Young, Helen Gamboa, Vilma Valera na sinundan ng marami pang iba tulad ng Apo Hiking Society, Pilita Corrales, Victor Wood, Tirso Cruz III, Boy Mondragon, Florence Aguilar, Eddie Peregrina, Yoyoy Villame, Fred Panopio, Circus Band, Alice Zerudo, Julius Obregon, Didith Reyes, Rey Valera, The Reycard Duet at iba pa.

Si Jeanne Young ang nagpasikat ng kantang Nicky Hokey, Norma Ledesma sa Lemon Tree, Helen Gamboa sa Bang-Shang-A-Lang at nung dekada ‘70 ay nauso ang jukebox at sa panahong ito sumikat nang husto ang tinaguriang Jukebox King na si Victor Wood sa kanyang super hit noong Mr. Lonely at si Florence Aguilar ang unang Jukebox Queen sa kanyang Mother of Mine song.

Ang Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales ay isa sa naging goldmind ng Vicor with her debut album na Philippine Love Songs, Vol. 1 na naglalaman ng kanyang George Canseco classic hit na Kapantay ay Langit.

Taong 1978 nang official nang magkahiwalay ang business partnership sina Boss Vic at Boss Orly.

Boss Vic put up his own record and film company, ang Viva Records and Viva Films at si Boss Orly naman ay itinayo ang OctoArts International kasunod ang OctoArts Films.

And the rest is history. Ngayon ay andyan pa rin sila at nananatiling haligi ng industriya.

Magkaiba man sila ng kumpanya, nananatiling nagsusuportahan ang magpinsan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with