^

Police Metro

Sunog sa Mandaluyong: 3 bata patay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sunog sa Mandaluyong: 3 bata patay
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection Mandaluyong, natanggap nila ang tawag, alas-7:30 ng gabi na may nagaganap na sunog sa isang apat na palapag na bahay sa Block 39.
File

MANILA, Philippines — Tatlong bata ang nasawi sa naganap na sunog sa isang bahay sa Block 39, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City nitong Huwebes ng gabi, September 3, 2026.

Namatay noon din ang isang 4-anyos at 2-anyos na magkapatid habang idineklarang dead-on-arrival ang 7-anyos na kanilang kamag-anak.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection Mandaluyong, natanggap nila ang tawag, alas-7:30 ng gabi na may nagaganap na sunog sa isang apat na palapag na bahay sa Block 39.

Mabilis na naapula ang sunog na walang idineklarang alarma at sa mopping operation ay natagpuan sa loob ng silid ng ikaapat na palapag ang magkapatid habang ang kamag-anak ay nakalabas ng silid at naisugod pa sa pagamutan, subalit binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga paso, sugat, at suffocation.

Sa inisyal na ulat, sa mismong ikaapat na palapag nagsimula at isang residente ang sinubukan pang apulahin ang apoy sa paggamit ng fire extinguisher habang ang mga residente ay umakyat sa mga bubong at tulung-tulong sa pagbuhos ng timba-timba ng tubig.

“Yung dalawa, talagang na-trap na sila sa loob, yung 2 years old and 4 years old. Yung 7 years old nagawa pang maka­gapang palabas nung kwarto, nang makita siya ng mga responder natin, dinala agad siya sa ospital,” sabi ni Fire Senior Inspector Bryan Acidre Pillula, Chief Operations ng BFP Mandaluyong.

Nasa trabaho umano ang mga magulang ng mga biktima at naiwan ang mga bata. Wala namang nadamay na iba pang bahay sa sunog dahil yari sa kongkreto ang bahay.

Nasa P200,000 ang tinatayang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan nito.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with