^

PM Sports

PLDT sinapawan ng Ho Chi Minh

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinapawan ng guest team Ho Chi Minh ng Vietnam ang nagdedepensang PLDT, 28-26, 19-25, 25-21, 25-16, para sa kanilang unang panalo sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumanat si Thi Kim Thanh Dang ng 19 points para sa 1-2 marka ng mga Vietnamese, habang may 18 at tig-14 markers sina Thi Bich Diep Ho, Thi My Xuyen Le at Thi Nung Dao, ayon sa pagkakasunod.

Tumipa si setter Ngu­yen Thi Hoai Mi ng 23 excellent sets para banderahan ang opensa ng guest squad.

Nabalewala ang hinataw na 25 points ni Kim Kianna Dy at 16 markers ni Fil-Canadian Savi Davison para sa 1-2 baraha ng High Speed Hitters.

Matapos agawin ng PLDT ang second set, 25-19, para tumabla sa 1-1 ay inangkin ng Ho Chi Minh ang third at fourth set kung saan sinelyuhan ni Nguyen ang kanilang panalo mula sa kanyang 1-2 play.

Sa unang laro, tinaka­san ng Creamline ang Farm Fresh, 25-18, 24-26, 25-22, 23-25, 15-4, para makahakbang papalapit sa finals spot.

Nagposte si Jema Galanza ng triple-double na 26 points, 18 receptions at 11 digs para sa 3-0 kartada ng Cool Smashers.

“Wala naman tayong ibang tatakbuhan kundi ‘yung sistema lang,” ani Galanza. “Magkakakilala naman na ang lahat at lahat gustong manalo kaya nilaban itong last set.”

Nagdagdag si 6-foot-5 middle blocker Jaja Santiago-Minowa ng 17 points tampok ang tatlong blocks sa fifth set, habang may tig-12 markers sina Alyssa Valdez at Tots Carlos para sa 11-time PVL champions.

Bagsak ang Foxies sa ikalawang sunod na kabiguan para sa 1-2 marka.

Naglista si Ces Molina ng 27 points at 17 digs at may tig-19 markers sina Trisha Tubu at Royse Tubino para sa Farm Fresh. 

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with