Cayetano kay Lacson: ‘Ilabas ebidensya sa nasayang na Lakeshore funds’

MANILA, Philippines — Hinamon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ilabas ang ebidensya kaugnay ng alegasyon na bilyun-bilyong pisong pondo ng gobyerno ang posibleng nasayang sa mga flood control at infrastructure projects sa Lakeshore area.
Sa kanyang social media post, iginiit ni Cayetano na ginagamit ang Lakeshore para sa health, education, leisure, negosyo, at iba pang public functions.
“Hindi po sinayang at hindi sinasayang ang Lakeshore. Let’s not let politics rob this generation and future generations of the opportunity to reap its benefits,” aniya.
Nauna nang sinabi ni Lacson na posibleng nasayang ang P3.713 bilyon na inilaan sa completed, ongoing, at suspended projects ng DPWH sa mga lugar na umano’y bahagi ng illegal reclamation areas sa Taguig.
“If there is evidence against DPWH, Taguig, or against me, then present it. Stop the theatrics and let the evidence do the talking in the proper judicial venue where fairness is assured,” hamon ni Cayetano kay Lacson.
Dagdag pa ni Cayetano, dapat manatiling nakatuon ang gobyerno sa paglutas ng mga problema at sa pagtitiyak na napapakinabangan ng mga Pilipino ang bawat pondong ginagastos.
- Latest




















