^

Pang Movies

Joshua at Julia, may ipinahiwatig!

Salve V. Asis - Pang-masa
Joshua at Julia, may ipinahiwatig!
Joshua at Julia

MANILA, Philippines — Ipinasilip na nina Joshua Garcia at Julia ­Barretto ang official poster ng kanilang reunion mo­vie na Always Yours, Never Mine na mapapanood na sa mga sinehan simula Setyembre 30 (Miyerkules).

Isinagawa nina Joshua at Julia ang poster reveal sa makasaysayang Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur, na isa sa mga lugar kung saan kinunan ang pelikula. Kasama nila ang cast members na sina Karen Reyes, Bob Jbeili, Migs Almendras, Paulo Angeles at Joy Barcoma. 

Tampok din sa pelikula ang bete­ranang aktres na si Chanda Romero at ang Kapuso star na si Bianca Umali sa kauna-unahan niyang pelikula sa Star Cinema. 

Makikita sa movie poster ang JoshLia na nagbibigay ng pahiwatig sa tema ng pelikula ng pag-ibig at pananabik. 

Ang Always Yours, Never Mine ang bagong handog ng ABS-CBN Studios at Star Cinema na mula sa pangunguna ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana. Mula naman ang kwento nito kina Olivia Lamasan, Trishtan Perez at Vanessa Valdez. 

Kabilang din sa cast sina Ina Raymundo, Franco Laurel, Reign Parani, Paolo Gumabao at Jan Silverio.

Kabayan Noli, naghahanda na sa pagbabalik

Ber months na. At ito, totoo raw na may grand comeback si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol.

Naudlot ang comeback ni Kabayan Noli noong nakaraang June, in time for the State of the Nation Address ni Pa­ngulong Bongbong Marcos sana.

Hindi pa raw kasi aprub ng doktor ni Kaba­yan na bumalik siya sa trabaho that time. Saka pumayat din daw kasi si Kabayan at hindi na talaga nagkasya ang mga suit niya kaya kailangang magpa-adjust at magpagawa ng new outfit.

But anyway, pagbalik din daw ni Kabayan ay hindi na siya nakatayo habang nagbabalita.

May sarili na siyang upuan habang nag-uulat ng kaganapan sa ating bayan.

Hindi na diumano nito kayang tumayo nang matagal.

JOSHUA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with