^

Police Metro

LPG price may P0.40/kg rollback ngayong Setyembre — DOE

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bunsod ng mas mababa ring freight costs ay bababa ng P0.40 kada kilo ang presyo ng liquid petroleum gas (LPG) ngayong buwan ng Setyembre.

Sa abiso nitong Martes ng Department of Energy (DOE), nabatid na nangangahulugan ito nang pagbaba ng hanggang P4.40 para sa isang standard na 11-kilogram cylinder ng LPG.

Ayon sa DOE, ang domestic retail prices ay nakikitang papalo sa pagitan ng P1,031 hanggang P1,536 para sa isang 11-kg na tangke.

Batay sa DOE monitoring, ang presyo nito may isang taon na ang nakakaraan ay nasa P802.20 hanggang P1,072.20 lamang.

 Anang DOE, ang pagbaba ng presyo ng LPG ay sa kabila nang pagtaas ng international LPG contract price sa $649.50 kada metriko tonelada mula sa $634/MT noong Agosto, na na-offset ng mas mababang freight costs.

Ipinaliwanag din ng DOE na ang presyo ng LPG ay karaniwan nang naaapektuhan ng presyo sa global market, na may increase sa contract price na karaniwang dulot ng mas mataas na presyo ng krudo, geopolitical tensions at supply constraints sa Gitnang Silangan, gayundin ng mas malakas na Asian demand bunsod nang nalalapit na winter season.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with