^

Punto Mo

Himala: Maysakit na ina, nakaligtas (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINAINOM ko ng tubig si Mama. Habang umiinom ay napapansin kong ma­dalas ang paghingal niya.

Nang maubos ang tubig sa baso ay nagsalita ito,

“Mawawala rin ito. Masyado kasing mainit sa palengke kapag ganito. Napakarami pang tao. Tiyangge kasi hgayon.”

“Baka nagugutom ka, Mama. Ipaghain kita. Mainit ang kanin at may paksiw na bangus at ginisang monggo.”

“Baka nga gutom ako. Sige maghain ka. Magbibihis lang ako.”

Nagtungo ako sa kusina at nagsandok ng kanin at ulam. Kapag ganitong Biyernes ay paksiw na bangus at monggo ang niluluto ko para maraming makain si Mama. Tamang-tama rin na kapag Biyernes ay maaga kaming pinauuwi kaya nakakapagluto ako.

“Aba sanay ka nang magluto, Maria. Masarap ang monggo at paksiw!”

“Sinunod ko lang ang resipe mo Mama.”

“Tama ‘yun. Itago mo ang resipe at magagamit mo ‘yan hanggang magkaroon ka ng pamilya.”

“Opo. Nakatago na.”

“Siyanga pala, Maria, ibinili mo ba ng sampaguita si Mama Mary?”

“Opo. Hindi ko kinalilimutan.”

“Salamat.”

“Sariwang-sariwa ang sampaguita na binibili ko para kay Mama Mary.” (Itutuloy)

SICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with