^

Bansa

Cebu quake dulot ng ‘fault’ na hindi gumalaw ng 400 taon – Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula umano sa offshore fault na hindi gumalaw ng may 400 taon ang naging ugat ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City Cebu, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ­(Phivolcs).

“At least in the last 400 years, iyon pong fault na nag-generate dito ngayon lang po ulit siya gumalaw. So ­medyo matagal po siya gumalaw kaya siya medyo malakas. Based po ito sa ating catalogue,” pahayag ni Dr. Winchelle Ian —Sevilla, head ng Phivolcs Seismological Observation and Earthquake Prediction Division.

Aniya, tinawag na ‘offshore fault’ ang ugat ng lindol dahil ito ay nasa dagat.

Sinabi ni Dr. Sevilla na nag-deploy na sila ng quick response team para lubos na maunawaan ito pero wala pa itong pangalan sa ngayon.

Nitong martes ng gabi niyanig ng malakas na lindol ang Cebu at karatig lalawigan na kumitil ng 69 buhay.

Bukod aniya sa maaaring pagmulan ng lindol tulad ng Bogo Fault, Daanbantayan Lineament, at Cebu Fault System ay mayroon pang local inland at offshore faults na maaaring magdulot ng paglindol mula mahina hanggang sa malakas na pagyanig.

Halos may walong matitinding lindol na mula magnitude 5.0 hanggang 7.2 ang nakaapekto na sa Cebu at kalapit lalawigan sa pagitan ng taong 1885 at 2013 kasama na dito ang magnitude 6.9 na lindol sa Negros Oriental noong February 6, 2012 at magnitude 7.2 na lindol sa Bohol noong October 15, 2013.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with