^

Bansa

SALN, AMLC records sentro ng impeach hearing vs VP Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SALN, AMLC records sentro ng impeach hearing vs VP Sara
Vice President Sara Duterte conducts a press conference in Mandaluyong on February 18, 2026.
STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sesentro sa Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) at Anti Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte ang impeachment hearing na isasagawa ngayon.

Ayon kay House Committee on Public and Accounts Chairperson Terry Ridon, mas magiging mabigat ang pagdinig sa impeachment dahil wala ng star witness na magsasalita kundi mga dokumento na mismo.

Sinabi ni Ridon na pangunahing pagbabatayan ng Committee on Justice ang mga dokumentong pinansyal, rekord ng buwis at mga transaksyon sa bangko para matukoy kung may probable cause sa mga paratang ng ill-gotten at hindi maipaliwanag na yaman ng Bise Presidente.

Inaasahang dadalo ngayon sa pagdinig, Abril, 22 ang mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman, Securities and Exchange Commission (SEC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang ihain sa Justice Committee ang SALN ni Duterte, kanyang income tax returns, mga corporate record ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, at mga ulat hinggil sa kahina-hinalang transaksiyon sa bangko na may kinalaman sa kanilang mga account.

Ang mga dokumentong ito aniya ang magbibigay daan sa mga mambabatas para masuri kung may malaking diperensiya sa yaman ni VP Sara kumpara sa P88.5 milyon networth na idineklara sa kanyang 2024 SALN.

Paliwanag ni Ridon, kailangang magkatugma ang idineklara niyang halaga ng kanyang kaya­manan sa SALN at sa mga rekord ng BIR at SEC.

Kailangan din aniyang tukuyin ng komite ang pamantayan kung kailan maituturing na “material discrepancy” ang diperensya kung ang malaking agwat sa pagitan ng idineklarang yaman at aktwal na ari-arian ay sapat na batayan para sa kasong unexplained wealth.

Dadalo rin sa pagdinig si dating Senador Antonio Trillanes IV matapos niyang igiit na may mahigit P2.4 bilyong transaksyon mula 2006 hanggang 2015 sa iba’t ibang account ang pamilya Duterte, kabilang ang mga joint account kasama ang bise presidente.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with