^

Bansa

PANOORIN: ‘Igi-GCash ko sa kanya’: Jonvic sa gastos ni Respicio sa drug test

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Sinagot ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang hiling ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Jeryll Harold Respicio na ma-refund ang kanyang ginastos sa drug test.

“Kukunin ko sa DILG namin ‘yung number niya, tas igi-Gcash ko sa kanya,” ani Remulla ngayong Huwebes, Oktubre 8.

Makalipas ang ilang sandali, naglabas ng QR code para sa kanyang GCash si Respicio sa Facebook.

"Jonvic, eto QR code. Pa GCash 28,011. Reimbursement for drug test," aniya.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 7, nagpakita ng invoice si Respicio para sa drug test sa St. Luke’s Medical Center.

“Jonvic, i-refund mo ko. Ang mahal ng drug test,” sabi niya sa caption.

Nauna nang sinabi ni Remulla na kailangang sumailalim sa drug test si Respicio matapos ang paninigaw nito sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan.

Ayon kay Remulla, tingin niya ay "adik" ang naturang vice mayor.

"Ngayon lang ako nakakita ng vice mayor na kung manigaw, ganoon 'di ba? Parang nakasinghot eh kung umasta," ani Remulla nitong Miyerkules, Oktubre 7. — Karagdagang ulat mula kay Martin Ramos

DILG

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with