Lacson sa kritiko: Shut the f---up!

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang mga naninira sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa pahayag ni Lacson sa pagsisimula ng pagdinig ng komite, agad nitong nagpahatid ng mensahe sa mga kritiko na “Shut the f—-up”. dahil sa kanilang pahayag na ang pagdinig ng Senado ay hindi patas at “fruitless”.
“Para ipangalandakan ninyo na inutil at walang silbi ang Blue Ribbon Committee is not only insensitive to its members but an insult to our fellow Filipinos who have consistently followed our hearings and participated in the Trillion Peso March,” ayon kay Lacson sa kanyang opening statement.
Giit pa ng Senador, taliwas sa mga kasinungalingan at panlilinlang ng ilang kritiko, maraming naging accomplishment ang komite mula nang sinimulan ang imbestigasyon noong kalagitnaan ng 2025.
Kabilang aniya rito nang malantad ang Bulacan 1st district Engineering Office bilang epicenter ng pinakamalaking corruption scandal sa kasaysayan. Nabisto rin aniya ang paglustay ng tinaguriang “BGC Boys” na sina dating DPWH District Engineer Henry Alcantara, Assistant District Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza ng bilyong piso sa casino.
Gayundin ng pagsasabwatan sa pag-ubos ng pondo mula sa national budget na nakalaan para sa flood control projects.
Nilinaw din ni Lacson na wala silang tinatarget na sinumang partikular na indibidwal at wala rin intensyon na pagtakpan ang sninumang sangkot sa nasabing iskandalo.
Nadiskubre rin aniya sa pagdinig ang top to bottom, systematic misuse at pag-abuso sa pondo ng bayan na kinasasangkutan ng mga opisyal ng ehekutibo at lehislatibo, maging ang Commission on Audit.
- Latest























