PNP intel at tracker teams idineploy vs Sarah Discaya at iba pa

‘Ghost’ flood control projects sa Davao Occidental
MANILA, Philippines — Pinakilos na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga intelligence units at maging ang kanilang tracker teams para hagilapin ang contractor na si Sarah Discaya at iba pa kaugnay ng ghost flood control projects sa Davao Occidental.
Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., matapos na ibigay sa kanila ang direktiba ay agad na nilang ipinwesto at inihanda ang sapat na bilang ng kapulisan at agad na ring nakipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya at law enforcement agencies para sa pagsasakatuparan ng operasyon.
Ang mga paghahanda aniya na ito ay naglalayon na maramdaman umano ng mga sangkot sa anomalyang ito na wala na silang ibang maaaring magawa kung hindi ang sumuko.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at ang PNP na maghanda sa posibleng paglalabas ng arrest warrant mula sa local court.
- Latest






















