2 ‘big fish’ sa flood control scam malapit nang mabingwit – Ombudsman

MANILA, Philippines — Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado na masasampahan na ng reklamo ang dalawang ‘big fish’ sa flood control projects scam sa mga susunod na araw.
“Of the big fish, may isa tayong tingin kong hinog na hinog. Papasok na. May isa pang yung PI nadelay nang kaunti, pero malapit na din ‘yun… Marami pa tayong ibang ina-eye na cases kaya within the next few days, maraming ipa-file sa Sandigan at sa RTC. Kagaya ng kahapon, yung kay Discaya,” ani Remulla.
Bagamat hindi tinukoy ni Remulla ang mga opisyal na sangkot, kinumpirma niyang nagpadala siya ng liham kay Senate President Sotto.
Nabatid na hindi pa natatanggap ni Sotto ang request at sinabi niyang hindi naman kailangang kumuha ng travel authority ang mga senador kung personal trips ang pagtungo sa labas ng bansa.
Kamakailan ay nag-react si dating Senador Bong Revilla kaugnay sa pagdawit sa kanya sa nasabing flood control projects scandal.
- Latest















