^

Bansa

PNP naka-full alert ngayong Pasko, Bagong Taon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinaas na ng ­Philippine National Police (PNP) kahapon ng umaga ang full alert status sa kanilang hanay bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Nangangahulugan lamang na ipatutupad na rin ng PNP ang “No Leave Policy” na regular naman nilang ginagawa sa panahong ito upang tiyakin ang seguridad at kaayusan ng bansa.

Ayon sa PNP, tinata­yang nasa 40,000 pulis ang ipakakalat upang matiyak ang peace and order sa iba’t ibang ­panig ng bansa.

Bukod pa ito sa pagbabantay sa ika-55 a­nibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.

Gayunman, hindi lamang PNP ang iikot at magmomonitor sa sitwasyon kundi ma­ging ang  tropa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Local Government Units (LGUs), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang force multipliers.

Bukod rito, ipinakalat na rin ng PNP ang nasa 436 Police Service Dogs na makakatuwang ng PNP para sa explosives at illegal drug detection upang masigurong ligtas ang magiging biyahe ng publiko sa panahong ito.

Payo ng PNP sa publiko maging maingat din sa pamamasyal, pami­mili at pakikihalubilo upang maiwasan ang anumang insidente.

Agad na makipag-ugnayan sa mga pulis kung kailangan ng assistance.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with