^

PSN Showbiz

Production ng isang bagong show may problema sa aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi pa man nagsisimula ang taping ng bagong show sa isang network, may problema na agad ang production. Hindi raw nagustuhan ng manager ng isa sa mga cast ng show ang role na ibibigay sa talent niyang aktres.

Isa sa mga bida ang aktres at isa sa makaka­pa­reha ng bidang aktor, pero sa ending ng story, ang isa pang aktres ang pipiliin ng bidang aktor. Naisip daw ng manager ng aktres na magmumuk­hang supporting ang kanyang talent kundi siya ang pipiliin ng aktor.

Nagpasubali raw ang man­ager ng aktres na kundi marere­med­yuhan at iibahin ang ending, baka i-pull out na lang niya sa show ang kanyang talent. Mabuti’t hindi pa nagsisimula ang taping at puwedeng palitan ang aktres, pero nakunan na ang teaser ng show at kasama ang aktres. Ano kaya ang gagawin ng production sa isyung ito? 

* * *

Matutuwa ang mga nagre-re­quest na ibalik ang karakter ni Na­dine Samonte sa Darna dahil sa nalalapit na pagtatapos ng series, babalik si Roma (Nadine) dahil kay Dr. Morgan (Ricky Davao) at isa na siya sa makakalaban ni Darna.

Masaya si Nadine na balik-Darna siya nang makausap namin sa sixth day taping niya sa series dahil love niya ang karakter ni Roma. Kahit ngayon, Roma ang tawag sa kanya ng tao ‘pag siya’y nakikita at inaalam kung babalik siya sa series na natupad na nga.

Payat-payatan si Nadine ngayon dahil limitado ang food intake dahil sa sakit sa tiyan na kundi naagapan ng gamot, baka naoperahan siya. Bawal ang fats at fried foods sa kanya at madalas na kinakain ay steamed fish and veggies at less meat ang food intake.

Naloloka lang si Nadine dahil enrolled siya ng culinary sa SKD o Skill of Knowledge Development since December last year. Pagkain ang lulutuin niya, pero bawal siyang magkakain. Ano ba ‘yan?

* * *

Matatapos na ang January, pero hindi pa rin nagbabalik sa SOP si Jolina Magdangal na sabi, sa buwang ito babalik sa Sunday show na iba na ang image. Pero hanggang ngayon, wala pa ring Jolina na lumalabas sa show.

Baka mauna pa siyang mapanood sa Panday Kids na kundi kami nagkakamali’y sa February na magpi-premiere kapalit ng Darna. Sa February 8 na ang scheduled first taping day ng series sa direksiyon ni Dominic Zapata. Natupad ang wish ni Direk Dom na magkaroon agad nang kasunod na project dahil nag-iipon daw siya.

* * *

Binili ng Star Cinema ang video rights ng Viva Films movie nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Solo production ito ng Viva Films, kaya naging mabilis ang ne­gosasyon, saka nakatulong sa negosyasyon na pa­rehong ABS-CBN talents ang dalawang mga bida, pati si Luis Manzano na leading man ni Sarah at ang director na si Wenn Deramas.

AKTRES

ANO

DAHIL

DARNA

DIREK DOM

NADINE

ROMA

SHY

SIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with