Ombudsman: Kaso vs Romualdez, tapos sa 1 taon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring matapos sa loob ng isang taon ang kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez may kinalaman sa flood control mess.
Kasunod nang pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Felicito Guevarra, pangulo ng Samchan Foreign Exchange Corp. matapos hilingin ng prosekusyon na kanselahin ang kanyang pasaporte.
Sinabi ni Remulla, nagbalik si Guevarra ng humigit-kumulang P324 milyon sa gobyerno at ang halagang ito ay sinasabing naipon mula sa mga komisyong kinita niya sa mga transaksyon.
Malaki ang paniwala ni Remulla na matatapos nila ang kaso sa “record time,” at sinabing ayaw niya ng anumang taktika sa pagpapabagal sa kaso.
“Pero within a one year period. Pwedeng tapusin namin ‘yung case namin. Kasi umaabot ‘yan ng 15 years nung nakaraan. Ngayon, kasi we’re ready before we file, ready kami magpresent ng evidence,” wika ni Remulla.
Si Romualdez at Zaldy Co ay kapwa nahaharap sa kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon kaugnay ng flood control scam, kung saan diumano’y inilipat ng mga mambabatas at opisyal ang pondo ng bayan sa mga pekeng proyekto sa imprastraktura.Itinanggi na ng dalawa ang mga paratang.
- Latest















