^

Pang Movies

Ellen at John Lloyd, magkasama sa China?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ellen at John Lloyd, magkasama sa China?!
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

Kasama nga ba ni Ellen Adarna sa China si John Lloyd Cruz?

Yup, hindi lang diumano non-showbiz friends ang kasama ni Ellen sa nasabing trip kundi kasama rin ang actor.

Pero walang post si Ellen na kasama ang actor, pulos friends lang niya ang nakikita.

Tho reliable ang nagkuwento na andun nga raw si John Lloyd.

Delulu (delusional) na si Ellen sa Chinese actor na si Jing Boran na bida sa phenomenal Chinese series na The Early Spring.

At may video pa siyang gumagawa ng osmanthus milk na favorite gawin ng character ni Jing Boran as Luan Nian kay Sun Qian as Shang Zhitao.

Pati sa nail polish, inspired na sa osmanthus milk ang design.

Ayon sa mga dialogue sa nasabing palabas, ang osmanthus milk ay isang nakagiginhawa at bahagyang matamis na inuming may lasang bulaklak, na sumikat nga nang husto dahil sa Chinese drama na nabanggit.

Kaya ang duda nila, possible na nag-reconcile na sina Ellen at John Lloyd na nauna nang nakitang inaayos ang boots ni Ellen at nakikipaglaro sa anak nina Ellen at Derek Ramsay na si Lili.

Anyway, nag-ala Lolit Solis nga si Ellen sa China kung saan todo pa-picture siya sa sa mga standee ng kanyang mga Korean actor na idol.

Naalala ko lang si Nay Lolit na ginawa namin ‘yun noon sa South Korea kung saan nabaliw noon ang namayapang kolumnista / talk show host sa Korean actor na si So Jong-ki.

Ayaw nang magpuyat…Allan K, mas priority na ang health

Nag-iingat na ngayon si Allan K.

Hindi na siya gaanong nagpupuyat, naglalakad (exercise), kumakain ng healthy at hindi nagpapaka-stress.

Yup, at least, natutulog daw siya ng six hours sa gabi - the new eight hours.

Everyday, kahit 5,000 steps, ginagawa raw niya - 8,000 ang ideal steps.

At higit sa lahat, hindi na raw talaga siya nagpapa-stress.

Siyempre kumakain na siya ng masusus­tansya.

Ayaw na ayaw na rin daw niyang magpuyat, hanggang 12 lang siya sa pag-aari niyang comedy bar, Clown.

Talaga raw iniiwan na niya pagpatak ng hatinggabi at umuuwi na siya.

Sixty seven na si Allan at thirty one years na siya sa Eat Bulaga.

Thankful siya na everyday ay may trabaho pa sila at patuloy pang lumalakas.

Diabetic na si Allan K, type 2. At meron pa raw siyang ibang maintenance.

Sa ngayon ay nagtuturok siya ng Mounjaro for weight loss. Ang laki nang nabawas kay Allan.

Anyway, kabilang nga si Allan sa cast ng Eat Bulaga na dumalo sa Tara sa Paskong Kapatid: Thanksgiving Celebration ng TV5 na ginanap kagabi na dinaluhan ng Kapatid artists and advertisers.

Dumalo rin sina Joey de Leon, Maine Mendoza, Miles Ocampo. at iba pang cast ng Eat Bulaga.

Kabilang sila sa talagang nagpasaya sa nasabing thanksgiving celebration kung saan present sina Mr. Manuel V. Pangilinan, Chairman of TV5 Network, Mr. Victorico P. Vargas – President and Chief Executive Officer (CEO) and Ms. Chaye Cabal-Revilla – Officer-in-Charge (OIC)..

Sunud-sunod ang mga komedyanteng pumapanaw sa kasalukuyan at yung isa ay napagkamalang si Allan K kaya mas lalo siyang nag-iingat.

Pero luckily, parang hindi siya tumatanda.

Kim, nagpatanggal ng butas sa pusod?!

Ah sa Tagaytay pala yung pictorial ni Kim Chiu na posted sa kanyang social media pages.

“Lost in the quiet of my own thoughts ,” caption ni Kim sa series of photos sa nasabing property niya sa Tagaytay na sinabi ng ibang fans na ibinenta raw ng kapatid niyang Lakambini, pero hindi naman pala totoo.

Paano raw mabebenta ‘yun ni Kim eh naka-loan pa diumano ‘yun sa bangko.

Anyway, unglam si Kim sa nasabing series of photos. Walang ka-make up make up.

At kita naman na nag-gain siya ng weight.

But anyway, may ilang fans na naman ang nag-chika na diumano’y pinaalis na ni Kim ang butas sa pusod niya dahil lalaki diumano ang tiyan niya. Mensahe ng fan : “Kimmy, mahal ka namin, at narito kaming naghihintay na bumalik ka nang mas malakas. Ipagdasal mo lang na malampasan mo lahat ng pagsubok, dahil hindi ka namin bibitawan ni Paulo.”

Well, wala ngang pag-amin na preggy na si Kim pero hindi siya nagpapakita kahit sa mga opening ng kanyang business, mga kapatid niya ang namamahala rito.

Anyway, ang dami namang nag-comment sa nasabing post ni Kim kasama na sina Anne Curtis, Ogie Alcasid, Bianca Gonzales, at marami pang iba.

Iisa lang ang message nila, nami-miss nila si Kim.

Pero may nag-comment din naman na file photos lang daw ‘yun.

Well, choice naman niya at I’m sure alam naman niya ang responsibilities ng isang ina kung sakaling totoo ang mga usap-usapan na diumano’y nagdadalang tao siya sa kasalukuyan.

Someone… last three weeks na lang

Handog nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador ang pasabog na acting showdown sa nakakagulat na mga rebelasyong dapat abangan sa huling tatlong linggo ng Kapamilya teleseryeng  Someone, Someday.

Haharapin na ni Billy (Kathryn) ang pinakamatindi niyang laban para protektahan ang kanyang pamilya matapos ang sunod-sunod na problema at pagtataksil na idinulot sa kanya.

Masusubukan kasi ang relasyon ng mag-best friend na sina Billy at Jordan (James) dahil pagbibintangan si Billy na siyang responsable sa aksidenteng hit-and-run na ikinamatay ng nanay ni Jordan noong mga bata pa sila. Kasabay nito, magtatalo ang puso’t isipan ni Billy tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Jordan, na kamakailan ay umamin na mahal siya nito.

Siksik din sa mga makapigil-hiningang engkwentro ang mga susunod na episode kung saan mag-aagaw buhay ang kapatid ni Billy na si Oliver (Migz Casimiro) dahil sa pag-hostage sa kanya ni Mariela (Rita Avila), ang nanay ng half-sister niyang si Bea (Maja). Handa naman si Bea na kunin ang tiwala ni Billy kahit duda pa rin ito sa totoong intensyon ni Bea matapos ang walang katapusang panloloko nito.

Mapapatawad na ba ni Billy si Bea? May tsansa pa kayang mauwi sa pag-ibig ang pagiging magkaibigan nina Billy at Jordan?

Huwag palampasin ang matitinding rebelasyon sa huling tatlong linggo ng Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with