^

PM Sports

PBA may regalo sa OFWs sa Pasko

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibigyan ng PBA ng mga regalo ang mga balikbayang Pinoy sa paglarga ng semifinals sa susunod na buwan bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang nito ng ika-50 ani­bersaryo at ng paparating na Kapaskuhan.

Ibabalik ng PBA ang pamosong programa nito na “Balikbayan Box” para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng bansa para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanilang mga pamilya.

Hanggang 3 ispesyal na tikets ang ibibigay ng PBA sa kada OFW basta makapagpakita lang ng Overseas Employment Certificate.

Sa laro, bibigyan din ng spotlight at pagpupugay ang OFWs tulad ng sa social media at in-venue TV exposures sahog pa ang mga freebies mula sa mga sponsors at official partners ng PBA.

Magsisimula ang “Balik­bayan Box” sa se­mi­finals ng idinaraos na 2026 PBA Governors’ Cup sa Disyembre 4.

Sa ngayon ay 3 kopo­nan na ang pasok sa Final Four sa pangunguna ng reigning champion na Talk ‘N Text kasama ang NLEX at Converge na nakaabante sa semis sa unang pagkakataon.

Isa pang team ang inaabangan nila sa pagitan ng sibling rivals na Barangay Ginebra at San Miguel na pag-aagawan ang huling tiket bukas sa Game 5 ng kanilang quarterfinal duel.

Bagama’t matatapos na bukas ang quarters, hindi pa agad magsisimula ang semis dahil magkakaroon ng halos isang buwang pahinga ang PBA upang magbigay-daan sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with