Mario Maurer, nire-request ng fans

Nagpo-promote ang original lead actor ng Pee Mak na si Mario Maurer sa hit Thai horror-comedy movie na showing simula Oct. 14.
Kinongratulate ni Mario ang cast ng local adaptation nito at partikular na binanggit ang pangalan ni Wilbert Ross.
Bahagi ng sinabi ni Mario na maririnig sa reels video, “Mabuhay Philippines! I’m Mario Maurer. Thank you for loving our film, Pee Mak. I wanna congratulate Wilbert Ross and the whole cast of the Philippine version of Pee Mak. I know you guys are doing great. I’m inviting everyone to catch up in the Philippine cinemas on Oct. 14. I’m sure you guys will have a great time there. See you! Mahal ko kayo.”
Mababasa ang mga comment na magkamukha raw sina Mario at Wilbert at pinagtabi pa ng Viva Films ang photo ng dalawa para ipakitang may hawig sila.
May request na imbitahan ng Viva si Mario sa premiere night ng pelikula para mas masaya at para magkita sila nang personal ni Wilbert at ang buong cast.
Anyway, ang lakas ni Wilbert sa fans, kahit saan ito magpunta ngayon, mapa-concert o mall shows, dinudumog talaga ng tao. Puno ang Sta. Rosa, Laguna concert nito, marami ring tao nang bumisita siya sa UP Diliman to promote the movie and his single Paruparo.
Bitoy, nagbabayad na sa parody songs
Na-miss ng fans si Michael V singing parody songs dahil ang latest parody song niyang Eh Kulang ay may 20.5 million views na a few days ago. By now, nadagdagan na tiyak ang numbers na ‘yun. With this result, tiyak na mai-encourage si Michael V to do more parody songs.
Kaya lang, magastos na pala ngayon ang gumawa ng parody songs dahil bukod sa naging mahigpit ang record companies, kailangan na raw magbayad sa song na gagamitin. Dahil dito, hindi na ginanahan si Michael V na gumawa ng parody songs.
Dati raw, ang record companies ang lumalapit para i-parody o i-spoof ang mga kanta nila. “Pero ngayon, nagkaroon na ng ganun. Lumalapit na ‘yung music companies sa inyo. Biglang naging mahigpit na kailangan kumuha ng permit. Tapos later on kailangan mo na magbayad. So, parang unti-unti nawawalan ng gana, kasi hindi mo na magawa ‘yung gusto mo.”
With the result and million views of his latest parody song, siguro naman, lalapit na uli ang record companies para i-spoof ni Michael V ang songs nila. Makakatulong ito sa promo ng song at mas mabilis maghi-hit. Gaya nga ng nangyari sa Eh Kulang na parody ng hit song ng Nobita na Ikaw Lang.
Nabanggit din ni Michael V sa interview sa kanya sa The KoolPals, si Diego Llorico na associate producer ng Bubble Gang (BG) ang nag-aasikaso ng permit.
Ganu’n din yata ang problema ni Michael V kapag TVC o commercial sa telebisyon ang kanyang ini-spoof. Kaya matagal na rin siyang hindi gumagawa nito na nakakadagdag sa tawa at saya ng viewers ng BG.
- Latest





















