^

Entertainment

‘Lipsynch To Lipstick’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Lipsynch To Lipstick�
Ang Poet N’yo, Wally and Alden with Menggay, ‘Ang Babaeng Ang Labi ay may Sariling Buhay ... at Labi n’ya rin ay Naghahanapbuhay.’

Ano sa isang Tagalog word ang LIPSTICK?

Teka… ano pa nga ba eh di LIPISTIK!

Pag isinalin kasi ay kilometric —

“Pampapulang sa labi ay dinidikit!”

 

Kelan lang Eat, Bulaga host na si Menggay

Napili ng MAC lipistik na magbigay

Ng buhay at kulay sa produktong taglay

Kasi nga labi n’ya ay MAY SARILING BUHAY!

 

Matambok at tikwas kasi ang panghalik!

Kumbaga’y Angelina Jolie ang gimik!

Kaya MAC hindi na nagpatumpik-tumpik,

Sa kanya nag-stick ang Makeup Art Cosmetics!

 

S’ya lang naman Asyanang kauna-una

Na nagmodelo sa labing pampapula!

Kaya kaming kanyang kabarkada,

Syempre proud na proud at lahat nabakla na!

 

Ansaflupangakngak! International na

Ang simpleng dalagang nagsimulang YAYA!

Mga lips binubuka para manggaya!

Mga lips ding ‘yun sa tagumpay nagdala!

 

Syempre buong Dabarkads ay very happy!

Op kors naman at bigtime si Menggay baby!

Imagine, model ng lipistik na kat-si!

Kaya lahat kami… nanghingi ng libre!

 

Ang kasaysayan ng lipistik nga pala

Ay libo-libong taon na rin nang mag-umpisa!

Reyna ng Ehipto na si Cleopatra,

Pinitpit na insekto ginagamit n’ya!

 

Ngek! Kasi nama’y sa langgam galing ito!

Sa ibang kulisap at kung ano-ano!

May kutob akong pinanggalingan nito —

‘Di kaya IPIS-TIK unang tawag dito?

 

Kaya nga ayon din sa sinaliksik,

Dahil galing papula sa mga insects,

Bukod sa malamang lasa nito’y pangit,

Nalalason iba at biglang titirik!

 

‘Sabagay pag sila’y biglang nanigas na,

Naka-makeup na nga naman mga bruha!

And that’s DIE BEAUTIFUL talaga kumbaga

At nagpakamatay SA NGALAN NG GANDA!

 

Kung nais nun ng pakintab diumano,

Kumbaga nga ngayon glitters ang epekto,

Isda lang katapat at kaliskis nito,

Lipstick glitter na’t ayos na buto-buto!

 

Nagpapapula ng labi noon pa man,

‘Di lang babae’t pati kalalakihan,

Ngunit dapat matindi ang katungkulan,

Kaya’y estado mataas sa lipunan!

 

‘Yung sa babae mas mapula nga lamang

Dahil ‘yan ang kanilang pamamaraan,

Hindi lang upang mapansin ang dahilan

Kundi sila ay higit na PAGNASAHAN!

 

But wait, mukha namang walang pinag-iba —

Noon at ngayon ang katwiran kumbaga!

‘Yung iba nga ang tindi ng pagkapula!

Talaga nga namang mapapatingin ka!

 

K.S.P. … meaning Kulapol Sa Papula!

Pero wari ko bagay lang sa mestisa,

Ngunit sige kung d’yan kayo maligaya

Basta, ‘wag lang hanggang ngipin n’yo humawa!

vuukle comment

LIPSYNCH

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with